TAHIMIK na nakaupo sa waiting area si Orlin habang hinihintay ang paglabas ng kapatid mula sa Emergency Room, kinailangan syang ipasok sa loob dahil hindi makahinga ng ayos si Irish at sobra ang pananakit ng dibdib nito. Bumalik ang pangamba at bangungot ni Orlin ng dahil sa nakaraan, sa pagkakamaling nagawa nya para sa isang mahalagang dahilan. Alam nya na hindi nya matatakasan ito pero hindi nya inaasahan na magkakaroon ng koneksyon si Irish sa isang taong may kaugnayan sa babaeng wala syang choice kundi gawin ang bagay na 'yun na sobra nyang pinagsisihan pero nilunok nya yun para sa kapatid. Kita nya ang galit sa mata ni Paxton at ang kagustuhan na mapatay sya para sa namatay nitong nobya at kung buhay nya ang kabayaran walang angal nyang ibibigay 'yun pero gusto munang masigurado ni O

