Napangiti nalang si Paxton sa isiping aayain nyang lumabas si Irish, alam nyang magugulat ito pero ginagawa nya lang ang trabaho ng isang manliligaw. Binigyang karapatan nya na ang puso nyang mas mahulog na kay Irish kaya walang sinong lalaki ang pwedeng lumapit sa dalaga. Isipin palang nya na magpapakita si Noah kay Irish at sasabihin ang pagkagusto nito sa dalaga ay ikinaiinis na ni Paxton. Siguro dahil ngayong tanggap nya ng nahuhulog na sya kay Irish ay unti-unti ng lumalabas ang pagka possesive nya. Malapit na sana sya sa bahay ni Irish ng unti-unting nawala ang ngiti nya dahil natatanaw nya ang dalaga na kausap ang lalaking kinaiinisan nya. Iniisip pa lang nya ang lalaking makakaagaw nya kay Irish kanina at heto ngayon at talagang pinuntahan si Irish. Una palang nyang makita ito no

