CHAPTER 2: REALIZATION

1561 Words
Tuluyan nang naka-uwi si Karo sa kanyang tirahan habang dala-dala pa rin ang mga katanungan sa kanyang isipan, kahit ganoon ay nagawa pa rin nyang ngitian ang paligid na parang walang nangyari katulad ng lagi nyang ginagawa araw-araw kahit sya ay naka karanas ng masalimuot na pangyayari sa kamay ng kanya kapwa estudyante. “I’m home.” Masiglang pag bati nito sa tahimik na bahay, na as usual wala na naman bumungad sa kanya sa tuwing umuuwi ito. Subalit, kanya naman nai-intindihan ang sitwasyon na kinalalagyan nya, sapagkat alam nito na hindi maiiwasan ng kanyang magulang ang pagiging madalas na abala sa kanilang pinang hahawakan na trabaho. Bukod pa doon, naisipan na lang ni Karo na ipag-paliban muna ito. Dahil, may malaki pa pala syang problema na r-resulbahin, lalo na’t ramdam nya na rin ang unti-unting pag babago sa kanyang katawan na hindi man lang nya ina-asahan. Mabilis ito pumunta sa kanyang kwarto at pumadapa sa kama upang pakalmahin ang kanyang isip bago nya simulan hanapin ulit ang sagot na tanging sya lang makaka diskubri. ‘Okay, first ala-lahanin muna natin ang sinabi ni Flank, If I remember nag simula akong gulpihin nila Mosker around 9am at natuklasan ako ng aking kaibigan at 2pm. That means, 5 hours ako nawalan ng malay. Pagka-tapos yun ay akin naramdaman ang marahan na pag daing sa akin ulo at dito na nag simulang maka-kita ng mga imahe na kanina lang ay nangyari. Subalit, bago pa man maganap ang lahat ng iyon, alam kong may napa naginipan pa ako, pero hindi na ito klaro sakin sa ngayon. Ngunit, posible kaya na konektado rin ang panaginip na iyon sa nangyayari ngayon? At ano itong mga nakita kung usok at mga pulang mata, dugo?’ Marahan nyang tanong sa kanyang sarili at kasabay nito ang pagpikit ulit ng dalawang mata ni karo ng walang pasabi na kumirot ulit ang kanyang ulo, dahilan para mapa hawak pa sya nang mahigpit sa kanyang bed sheet. “Aah!” Impit na daing nya ng kanya ulit matanaw ang isang scenario na hindi man lang nito malaman kung saan ng gagaling. Nag tagal pa sa ganoon posisyon ang binata na tanging ang apat na sulok lang ng silid nya ang naka-kakita. Pagkaraan ng ilang minuto ay kusang napa-bangon si karo sa kanyang pagka higa dahilan upang malipat lang rin sya sa sahig at hini-hingal na napa-tingin sa kisame habang ramdam pa rin nya ang hilo at pag hina ng kanyang katawan. “You must need to take care of this, Karo!” “W-what is this Mom? Why?” “Just do me a favor Son, you must secure it no matter what happened.” “W-why mom? What is going on, why are you acting like this?” “I-I have no time to explain it Karo, but if you really wanted to know what happed, here is the key on my lab. I need to go; Remember I will always love you my Son.” Ang taimtim na pag r-reminisce ni Karo sa mga ala-ala na lumabas sa kanyang isip kani-kanina lang, kasabay yun ay ang iba pang mga imahe na katulad na lang nang pag nuod nito sa tv ng balita, na hindi nya naman nabigyan pansin. Sapagkat, mas lamang pa rin ang sinabi ng kanyang ina matapos itong tuluyan umalis sa harapan nya. “Then, I guess mangyayari rin ito mamaya.” Ang tangi na lang nasabi ni karo sa kanyang isipan, habang tuluyan na rin itong bumangon upang makapag-palit na ng kanyang uniform. Taimtim lang ito sa kanyang ginagawa na pag palit ng bigla itong may napansin sa kanyang balikat na isang peklat. Marahan pa nya itong tinignan nang mabuti at nagta-taka kung kasama rin ba ito sa mga pasa na ibinigay ni Mosker sa kanya. Subalit, sya rin ay napa-isip kung bakit parang tuyo na ito at hindi pa masyadong ma-klaro, naisipan nya rin punasan ito na para bang sya ay nag b-baka sakali na isa lamang itong dumi. Ngunit, kahit anong kuskos nito ay hindi pa rin ito na-alis. ‘Hindi rin naman ito masakit kumpara sa mga kasama nito.’ Kanya pang dahilan na hindi rin naman nag tagal nang marinig nya ang malakas na pag sarado ng pinto. At ang ibig sabihin lang yun ay naka-uwi na ang kanyang Ina, kagaya ng nasa kanyang ala-ala. Walang impormasyon na binigo ang imahe sa pinakita ng kanyang isip, dahil ang lahat ng pag-uusap nila, expression at reaction, ay lumabas ngayon sa harapan ni Karo, pero imbis na malimitado ito, naisipan ng binata na dagdagan pa ang kanilang pag-uusap, upang mag-baka sakaling may makuha syang information, na makaka-tulong rin sa kanyang sitwasyon. “Mom, I will throw this box away, if you don’t tell me what is happening.” Malamig na tugon ni karo, dahilan para mapa-hinto ang kanyang Ina sa pag lakad at mapalingon dito. Klaro naman sa mata ng Ina ang gulat na expression nya, pero maya-maya lang ay napa-ngiti ito sa kanyang harapan, dahilan para si Karo naman ang mabigla nang makita nya ang butil ng luha sa mata ng kanyang kausap. “I-I see, y-you’re back Karo. Now, hindi ko na kailangan pang mag-alala pa sa iyo. Sapagkat, may tiwala na akong maliligtas ka, maliligtas mo ang mundo.” “W-what do you mea—Mom! Hey Mom! where are you going!?” “My time is already over now Karo, remember I will always love you my Son.” Sabay labas ng nito sa bahay nila, hindi naman nag dalawang isip na lumabas rin si Karo upang masundan ang kanyang ina. Subalit, sa pag bukas nya ng pinto ay walang pigura ng babae ang kanyang natuklasan, sinubukan pa ni Karo na ilibot ang kanyang paningin, ngunit tahimik lang na daraanan ang bumungad sa kanya. Hindi nag tagal ay agad nag-react ang katawan ni karo ng bigla itong nanigas sa kanyang pwesto. Kasabay kasi yun ang hindi nya inaasahan na sagot na nakuha nito sa kanyang ina, na tila ba’y imbis na mabawasan ang buma-bagabag sa kanyang isip, eh mas lumala pa ito. Naisipan na lang nya bumalik sa loob at wala sa wisyong binuksan ang Tv, like what he did in his memories. Pero imbis na mawala ito nang pakielam sa ibina-balita ng kanyang harapan. Dito nya napansin ang pag lipad ng malaking eroplano sa kalangitan, at tila hindi ito umaandar nang maayos, sapagkat bumukas lang naman ito at parang may hinulog na labis na nag pakunot sa kanyang noo. Pinaulanan lang naman kasi ng dugo ang lugar na sinapu-punan ng maraming tao ang natatanaw ni Karo ngayon sa balita. Na literal na ikina-sigaw rin ng mga risedente, habang napag ha-halataan din sa kanilang itsura ang pagdu-duda. ‘Sabagay, sino ba naman ang hindi mag-tataka kung bakit nag-paulan ng dugo ang isang eroplano.’ Kasabay yun ay ang biglang pagwala ng signal sa tv, pero imbis na pag-aksayahan ito ni Karo ng oras ay napag-desisyunan na lang nya na bumalik sa kanyang kwarto. However, bago pa maka-tayo ang binata sa kanyang upuan ay bumalik ulit ang signal, pero labis ang ikina-gulat nya ng wala na sa maayos ang anggulo ng camera at nag taka pa sya ng may biglang lumitaw na kamay dito na nangi-nginig at parang gustong maka-wala bago pa man ito mahinto at mahaluan ng dugo. “Eeeik!! Aaaah!!!” Ang nag pagising sa ulirat ni Karo nang marinig nya ang malakas na sigaw sa Tv na sobrang naka-karindi sa tenga, kaya dali-dali nya pinatay ito at nanghina na napaupo sa sahig. “A-ano ang ibig sabihin yun?” Pagkaraan na pahayag nya sa ere. Hanggang sa dumating na lang ulit ang kinabukasan, ay halata sa itsura nito na wala syang tulog, na kahit ang mga naka-kasabay nyang estyudante ay nag ta-taka sa kilos ni Karo. Ngunit hindi rin naman ito nag tagal nang makalipas ang ilang oras ay napagbalingan na naman sya ng galit ni Mosker at marahas syang idinala sa Rooftop upang sana ito’y bugbugin ulit. Ngunit, imbis na ayun nga ang mangyari, eh naging kaba-ligtaran ang resulta. Dahil imbis na sya ang sugatan at napapadaing sa sakit, ay ngayon ang grupo nila Mosker ang naghihirap sa harapan nya, habang ang kanyang paningin ay tuluyan nang nagbago sa nakaka pangilabot na itsura. “O-oo nga pala, nang matapos ninyo akong pahirapan ay naisipan nyo pa akong bigyan ng lakas ng loob upang magpaka-matay, dahil alam ninyo na, natanggap na ng aking sarili na wala na akong silbi dito sa mundo, kaya…Ako ay nag lakad palapit sa gilid ng Rooftop para dito tumalon…” Marahan pa nyang paliwanag habang nagla-lakad ito papunta sa pinwestuhan nang kanyang memorya at saktong napa-hinto nang klaro nyang makita ang malaking building, at doon na ang simulang ma-alala nya ang kanyang mga binanggit sa, sarili bago maisipan mag pahulog. “Pero…Bago pa man iyon mangyari ay biglang…” Boom!! Kasabay ang pag hinto sa kanyang sasabihin ang malakas na pag bomba sa malaking building, kasama yun ay ang pag-ulan ng dugo sa paligid ng binata na kahit sya ay natamaan na rin ay kanya lamang ito hinayaan, dahil ina-asahan na rin naman nya ito. At sa oras na iyon isa lang ang nasa kanyang isip, yun ay…   “N-nag balik ako…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD