"Starting today, I would like to inform you all that for the upcoming projects of this association, I want every transactions are going through me, no exceptions. I will be tracking all of thw updates starting today, make sure there is nothing wrong to every thing that I have assigned you all, understood."
"Yes, sir."
"And later on, I want you all to welcome my wife here in my place. You will all know her name but not her face, this is enought you may all now leave," pagbati ni Storm sa lahat ng empleyado nito sa loob ng conference hall.
"Gemma, may I know how are things going on with Dustin? Let him know Makati needs its commands so he better repair some components in there," Storm spoke. Gemma who was preparing her boss's meal quickly went out of the room. Napahinga na lamang nang malalim si Storm at kaagad na kinuha ang personal phone nito sa bulsa niya at hinanap ang number ni Rain.
Sa building enterprise ng Doux Editorial Company ay nasa loob naman si Rain ng cafeteria nang bigla namang nag ring ang kaniyang cellphone.
Nanlaki naman ang kaniyang mga mata nang makita kung sino ang tumawag sa kaniya.
"Ba't ang bagal mo sumagot ng call 'ko?" naiinis na sambit ni Storm sa tawag.
"Eh kumakain pa ako tsaka may pagkain sa bibig ko kaya need ko siyang lunukin. Bakit? Anong meron at napatawag ka nang bigla ngayon?" Asad ni Rain sa binata.
"Where are you right now? Nasa work ka ba? I want to know what you're working on at kung saang building yan."
"At bakit naman, diba sabi mo walang–"
"Just do it. Tell me, Rain."
Napabuntong hininga si Rain at kaagad na nilibot ang mga mata niya sa loob ng cafeteria.
"Message ko lang sayo mamaya yung address, okay? Busy pa kasi rito sa work at tsaka 10 minutes lang yung lunch break namin kaya kailangan ko nang umakyat sa desk ko. Dyan ka na ha message na lang kita mamaya," saad naman ni Rain, hindi na hinintay ang sasabihin ni Storm at kaagad na pinatay ang tawag nila.
Mabilis na nag open ng contacts si Rain at hinanap ang number ni Grace.
"Beh, oy may tanong lang ako sorry sa istorbo ha," ani Rain.
"Hello, Rain? Hello, beh. Bakit anong meron may problema ba?"
"Oo eh, kasi naman baka nong nag uusap kayo ni Storm baka kasi may mga nabanggit ka sa kaniya na work mo or mga bagay na gusto mo para naman kahit papaano eh magamit ko rin. Napatanong kasi siya ng address ng tinatrabahuhan ko eh baka may nasabi ka na about sa work mo," ang sinabi naman ni Rain sa kaibigan niya.
"Ay oo nga pala about dyan, ang sabi ko sa kaniya eh hinahandle ko yung clinic ni papa kaya ibigay mo na lang yung address ng clinic eh malapit lang din naman yan sa opisina mo. Nandoon lang din naman ako paminsan-minsan tsaka yung kapatid mo kaya punta ka lang don anytime. May nabanggit din ako kay Storm na mahilig ako mag bowling at mag jetski, yun na lang yung gamitin mo so that he will spoil you with time, alright?"
"Sige, beh. Salamat ha sorry ulit sa istorbo, text mo na lang sa 'kin yung iba kung meron ka png nakalimutan na sabihin sa 'kin eh kailangan ko pa kasi mag-reply kay Storm eh baka mag sungit na naman 'yun sa akin," ani Rain. Pagkatapos ng tawagan nila ni Grace ay kaagad din naman pinadala ni Rain kay Storm ang address ng clinic na sinasabi ni Grace sa kaniya.
Sa kasamaang palad ay hindi naman nagustuhan ni Storm ang nakikita niya na building sa harap niya kaya naman napag isipan nitong bumaba ng gusali. Nang makarating ito sa lobby ng kompany ay kaagad din naman niya nakita ang kapatid nito na si Dustin na may kausap na magandang babae sa couch at nakaupo ang mga ito.
"Dustin," pagtawag ni Storm sa kapatid nito.
"Bro, meet Zara. She's a friend, a model from Lexus Entertainment," Dustin spoke. Agad naman ngumiti ang babae habang nakatingin ito kay Storm. Kilala si Storm bilang strikto at walang facial expression na lalaki at dahil sa kagwapuhan nito ay hindi lamang siya sa businesss industry kilala kundi pati na rin naman sa entertainment industry kaya naman kahit si Zara na isang sikat na model ay kilala ang pamilya ng mga Dela Vega.
"Nice to meet you, sir Storm."
"May I speak with my brother for a moment?"
"Of course."
Sumunod kaagad si Dustin sa likod ng nakakatanda niyang kapatid at nang marating nila ang hindi mataaong lugar ay napatigil ang dalawa doon.
"Can you organize your portfolio for Syndi, I have something to handle sa Cebu and if you can't fix it kaagad eh hindi tayo makakaalis sa problema na 'yun. I still have some clients to sort out with from New York so please, fix everything that's need to be fixed," ang saad naman ni Storm sa kaniyang kapatid."
Sa kabilang side naman ng lobby ay nakatingin lang din naman si Zara sa dalawang magkapatid. Matagal na itong may gusto kay Storm ngunit dahil hindi talaga ito makalapit sa lalaki ay tanging si Dustin lamang ang kaniyang makakayang abutin dahil madali lang din naman ito kausap hindi katulad ni Storm na hindi na nga niya malapitan ay hindi rin niya makausap.
"I'll leave now, ikaw na muna rito bahala. I still need to look out for my wife," ani Storm.
"Aight, good luck with that, kuya. Ako nang bahala rito," sagot naman ni Dustin.
Nang matanggap ni Storm ang text ni Rain sa kaniya ay agad naman ito nangurot dahil bakit ang binigay ni Rain na address ay isang clinic ito, sa pagkakaalam niya ay nagtatrabaho si Rain sa isang opisina malapit lamang sa city. Binaniwala na lang din ito ni Storm at nag simula nang mag-drive papunta sa address na binigyan sa kaniya ni Rain.
Palabas na si Rain ng lobby nang kaagad siyang tinawag ni Chris, ang promotions manager ng field nila, ikinagulat din naman ito ni Rain.
"Hello, sir. Bakit po?"
Ngumiti naman ang lalaki sa kaniya, "If I may, can we go out tonight. I just want to hangout with you," saad naman ni Chris.
"Ay may ipapatulong ka po ba na file? May alam po akong 24 hours na cafe malapat lang rito–"
Chris laughed, "No, that's not what I mean. This is not work related, I just want to hangout with you outside the office, catch up as friends, you know?"
Hindi alam ni Rain kung anong isasagot niya rito. Naalala rin naman niya kaagad ang sinabi ni Storm sa kaniya kanina na 'wag masyadong magpagabi o si Storm mismo ang susundo sa kaniya dahil kaya niya itong i-track gamit ang binigay niyang cellphone rito.
"Ah... sir Chris, s–sige po pero hindi po ako pwedeng magtagal eh may kailangan pa po akong puntahan," ani Rain.
"Sige hatid na kita para naman sabay na tayo pumunta sa cafe na sinasabi mo."
"Ay 'wag na po–"
"I insist. At isa pa I'm your boss so dapat sinusunod mo ako ngayon, I don't want any excuses na. I actually know where you live kasi remember before nong nagfield trip yung team natin napadaan tayo sa barangay niyo," naalala kaagad ni Rain na nakasama na niya pala dati si Chris sa ilang projects na naganap sa Doux ngunit hindi na sila masyadong nag usap ni Chris dahil naging busy ito sa work niya nang inilipat siya ng department.
Hindi nagtagal ang pag uusap nila na sinundan din ito nang pag alis nilang dalawa. Kailangan pa kasi bumalik ni Rain sa bahay nila upang bigyan ng pera ang kaniyang pamilya.
Nasa kalagitnaan ng pagmamaneho si Storm nang bigla itong nakatanggap ng tawag sa agent nito, "Boss, papunta po ng Paranaque ang Madam nakasakay ng Audi, ano pong next order?"
"Off mo yung locator, ako nang bahala rito basta siguraduhin mo lang na hindi siya mapapahawak sa kasamang niyang lalaki na yan, and one more, give me every details you cam have of that guy she's with."
"Yes, boss."
Nagpatuloy ang pagmamaneho ni Storm habang marami marami itong natakbo sa utak niya. Nakarating ito sa clinic na mainit ang ulo.
Pasado nine na ng gabi nakarating sila Rain kasama si Chris sa cafe, napagdesisyonan ng dalawa na magkape nang panandalian dahil marami pa pala silang gagawin ngayong gabi. Ngunit sa kalagitnaan nang kanilang pag uusap ni Chris ay hindi naman ni Rain inaasahang makita si Storm na nasa counter ng coffee shop habang nakatingin ito nang masama sa kaniya.