HINDI MAPAKALING labis na nag-aalala si Karina kay ToV habang ginagamot ito ng isang doctor na nagpunta sa unit ni Paolo matapos niyang tumawag sa 911 na magpadala ng doctor para gamutin at tingnan si ToV. Nanginginig na nag-aalala si Karina habang nakatayo siya sa may gilid kung saan katabi niya si Paolo na nagulantang din sa pagsigaw ni Karina kanina at makita ang kalagayan ni ToV. Pinipigilan ni Karina na mapaluha dahil sa nakikita niyang madaming sugat sa likuran ni ToV. Hindi niya alam kung saan ito nakuha ni ToV pero sa tingin niya palang sa mga malalim na sugat nito ay grabe ang sakit na maaring nararamdaman ni ToV. Ibinaba ni Karina ang tingin niya sa dalawa niyang kamay na nakikita parin niya ang natuyong dugo ni ToV ng hawakan ni Paolo sa braso niya na ikinalingon niya dito. “M

