HINDI ALAM ni Karina kung ano ang ikikilos niya ngayong kasama niya ang mga kaibigan ni Therice na inaalo at kinakausap si Gail na umiiyak na nakaupo sa kama nito. Isinama siya ni Therice at iniwan sina ToV na nasa garden at mga nag-uusap pa, ayaw naman maging feeling close ni Karina sa mga kaibigan ni Therice kaya nanahimik nalang siya sa may tabi nito habang nakikinig sa pag-uusap ng mga ito. “Alam naman namin na hindi mo kayang magalit sa Tazmanian mo, Gail, nasaktan ka lang. Kahit naman kami nasaktan sa mga nangyari sa mga asawa namin pero alam mong sa ganitong oras mas kailangan ka ng asawa mo, diba?”pahayag ni Sora kay Gail habang nakaupo sa kama niya sina Sora, Sariya, M.C at Ayane. May kaniya-kaniyang pwesto naman sina Therice na katabi si Karina, at sina Heaven, Irish, Lorraine,

