“Ehh?! La-lalaki ka talaga Paolo?!” Hindi makapaniwala sina Therice at Maxine sa narinig nilang pag-amin ni Paolo na hindi talaga ito bakla kundi isang lalaki, isang tunay na lalaki. Nasa kwarto sila ng wala paring malay na si Karina, dalawang araw na ang lumipas matapos ang ginawang pagkuha at aksidente na nangyari kay Karina sa kamay ni Vernon. Dalawang araw narin na silang dalawa ang nagbabantay kay Karina habang walang malay si ToV, sa gabi naman ay mga magulang ni ToV ang nagbabantay kay Karina. Ngayon ay nasa may ICU sina Sergio para kay Blue na ikinalulungkot ni Therice at ng ibang Phantom wives ang nangyari sa isang Phantoms na ramdam nila sobrang ikinadurog ng puso ng mga asawa nila, kaya sinisiguro ni Therice at ng ibang Phantom wives na hindi sisihin ng mga asawa nila ang nangy

