SA BIYAHE nina ToV papunta sa abandonadong ospital kung saan nila matatagpuan si Vernon ay hindi magawang makipag-asaran nina Blue at Travis habang nasa biyahe sila dahil sa mapanganib at may galit na awra ni ToV na nararamdaman at nakikita nila ngayon sa mga mata nito. Wala silang clue sa kung bakit biglang nag-iba ang awra nito, dahil hindi nagsasalita si ToV na sa pinaka dulo napiling umupo ng mag-isa. Si Paxton ang nagmamaneho katabi si Taz habang sa ikalawang row ay sina Shawn, Travis at Blue habang magkahiwalay na nakaupo si Lu at YoRi sa ikatlong row na upuan sa van at pinakikiramdaman lang si ToV na nasa likuran niya. Dalawang van at isang kotse ang dala nila, sa kabilang van kasunod nina Taz ay sina Ribal at ang nasa unahan naman nila ay ang mga oldies na binigyan ng way ni Moun

