Gamit ang ducati ng kuya Ashton niya ay sumunod siya sa school ng mga bata. Naroon si Van at ang iilang tauhan niya pero dahil nagprisinta ang Kuya Jade niya na ito na raw muna ang magbabantay sa Daddy nila ay naisipan niyang sumunod na sa eskwelahan. Naka black sleeveless siya na pinatungan niya rin ng black denim longsleeves jacket. Nakafitted black pants rin siya at nakablackboots. Braided din ang mahaba niyang buhok. Wala naman siya planong magpakita sa mga bata. Magmamasid lamang siya sa labas. Hindi naman siya makikilala dahil nakaitim na mask rin siya ay nakasuot ng helmet kulay itim at puti. Tumambay siya sa ilalim ng isang malaking puno na nasa tapat lamang ng eskwelahan ng kambal. Hindi nagtagal ay may napansin siyang babae na may dalang malaking bilao."Puto't kuchinta, bili

