Halos araw araw simula nang mangyari ang trahedyang iyon sa buhay nila ay palagi siyang nasa laot gamit ang kanilang yate.Nagbabakasali pa rin siya na baka mahanap niya ang kan'yang asawang si Michaela sa mga karatig na islang malapit sa yateng sumabog. Ang mga katawan na narekover sa sumabog na yate ay halos hindi na makilala pero positibo na isa mga iyon ay si Don Ismael. Hindi pa rin naman siya nawawalan ng pag-asa kahit na dalawang buwan na ang lumipas. Nararamdaman ng puso niya na buhay si Ela,she might be just trapped somewhere else. Ang mga anak nila ay nasa Manila nakatira sa mansion ng mga magulang niya at nag-aaral na ang mga ito. Naghahanap rin sina Cath at ang mga kaibigan nila pero katulad niya ay bigo ang mga ito sa paghahanap kita Ela at Hope. Araw araw rin ay nagtatanong a

