"Trisha, sandali lang!Makinig ka naman oh!" sigaw sa kan'ya ng kasamahan sa trabaho na si Geneviv. Kanina pa ito sumisigaw sa kan'ya ngunit hindi niya pinapansin ang babae. Magkahalong galit at inis ang kan'yang nararamdaman ngayon at ito pa mismo ang nagsabi kay Van ang tungkol sa plano nila dati. "Trisha ano ba? Mag-usap na nga muna tayo!" muling wika nito sa kan'ya. Tumigil naman siya sa harapan ni Geneviv at tiningnan ito ng masama. "Oh sige, mag-usap tayong traydor ka!" Isang malaking sampal ang ibinigay niya rito at napahikbi naman ito sa ginawa niya. "Pagkatapos kitang ilibre at pautangin, ganito pa ang gagawin mo sa akin? Binuko mo pa ako kay Van at sa mismong harapan ng mga magulang at dati nitong asawa? Huh, anong klase kang kaibigan Gene? Wala ka talagang utang na loob Ge

