Trisha Nataranta na lamang siyang umuwi pagkatapos na maghintay ng dalawa hanggang tatlong oras sa lalakeng ka-deal niya. Nilipasan pa siya ng gutom, nagkakulani pa siya sa magkabilang hita.Napakatindi ng kan'yang inis sa lalakeng scammer na iyon, kwarta na naging bato pa. Ang dami na sana niyang plano sa limang libong premyo niya pero drawing lamang ang kinahihinatnan. Maglalakad na lamang siya papunta sa sakayan ng mga traysikel, bumili na rin siya ng sangkap para sa meryendang lulutuin niya sa palengke. Bumili na rin lamang siya ng apat na pandesal para sa mga bata. Hayst, bibili sana siya ng mga laruan. Minsan lang naman siya nagbitaw ng pangako sa mga bata hindi pa talaga niya maisakatuparan man lamang. Kilala naman niya ang lalakeng 'yon. Di bale, makakatikim ito ng mura sa kan' ya

