Ilang beses din niyang tinangkang umalis para takasan si Yvo, pero sa tuwina ay lagi siyang pinanghihinaan ng loob. Alam niyang matutunton at matutunton rin siya nito. What's the use of running away? Sigurado siyang gagawin nito ang lahat makuha lang ang bata. He was very persistent before, edi mas lalo na ngayong may ebidensyang buntis nga siya.
Kailangan niya itong makausap sa lalong madaling panahon.
It's been a week since he came, pero simula nung dumalaw ito ay sunud-sunod na deliveries na ang dumating sa bahay niya. Food deliveries, groceries, clothes, even maids! Nakakapag-init talaga ng ulo ang lalaking iyon. It scared her too. Hindi niya mapigilan ang sariling matuwa sa mga pinaggagagawa nito.
"Ano, natawagan mo na ba iyong mayabang mong amo?" asik niya sa driver na ipinadala rin ni Yvo. May hinala siyang hindi ito driver kundi bodyguard mismo. Hindi talaga siya patatahimikin ng lalaking iyon!
"Mukhang andiyan na po si senyorito." anito ng makarinig sila ng ugong ng sasakyan sa labas.
Pinigilan niya ang sariling lumabas upang salubungin ito. Baka isipin pa nitong excited siyang makita ulit ito. "Hindi nga ba?" kastigo ng sarili niya. Nagpasya siyang antayin na lamang ito sa loob. Hindi naman naglao't sandali ay dumating na nga ang lalaking kanina pa niya inaantay.
He looked heavenly gorgeous with his white lacoste poloshirt, dark denim pants, white rubbershoes, habang ang itim na mga mata nito ay natatakpan ng eyeshades. Kahit medyo malayo pa ito sa kanya ay amoy na amoy niya ang pamilyar at nakaliliyong pabango nito. Oh God, how she missed him! Pinigilan niya ang sariling mapapikit.
"If you missed me that much, you can give me a kiss. I wouldn't mind." nakangising anito habang nanunuksong tinatanggal ang suot nitong shades.
Agad siyang pinamulahan ng mukha ng makita ang panunukso sa itim na mga mata nito. He sure can read minds! Hell! "Hindi kita pinapunta rito para landiin ako." nakasimangot na aniya.
"Kung ganon, bakit mo ako ipinatawag?" naglakad ito palapit sa kanya.
"I want you to stop distressing my life." diretsahang sagot niya.
"It's impossible to stop."
Kunot-noong tinapunan niya ito ng tingin. "Pabayaan mo na ako. Bakit ba ginugulo mo pa ako? Hindi ko hinihingi ang responsibilidad mo." napakagat-labi siya. She's starting to get emotional again. Tumalikod siya upang itago ang pamumuo ng luha mula sa gilid ng kanyang mga mata.
"Angel..." bulong nito habang masuyong hinahaplos ang likod niya. Hindi niya napigilan ang mapahagulhol. He took it as a cue to turn her around and hold her in his arms, just like the way he always did.
"Leave me alone." umiiyak na pakiusap niya.
His grip tightened. "I can't, angel. I can't." nahihirapang bulong nito.
She looked up to him, even with tears in her eyes. "W-why?"
Imbes na sumagot ay gumalaw ang mga kamay nito ay masuyong pinalis ang luha sa mga pisngi niya. And at that same moment, she saw that familiar look in his eyes again. Nanatiling magkahinang ang kanilang mga tingin hanggang sa maramdaman niya ang unti-unting pagbaba ng mukha nito sa kanya.
She willingly closed her eyes. When their lips met, doon niya napatunayang ni minsan ay hindi siya tumigil na mahalin ito. There has never been a day that she didn't long for his kiss, to feel his warm embrace again. Matagal din niyang niloko ang sarili at inisip na galit siya rito, pero ngayon ay hindi na niya pwedeng gawin iyon.
Dahil alam niyang mahal niya ito, mahal na mahal. Muling bumalong ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Noon napatigil si Yvo sa paghalik sa kanya.
"Please, don't cry angel, its killing me." pagsusumamo nito.
"You always make me cry. Kaya kung ayaw mo na akong makitang umiiyak, j-just leave." parang pinipiga ang puso niya habang sinasabi iyon. Saying those words is like cutting her heart into pieces. It hurts like hell.
"Can't you give me another chance?"
Kumalas ito mula sa pagkakayakap sa kanya. Pagkunwa'y bigla itong lumuhod sa harap niya. She gasped audibly, lalo na ng maglabas ng isang pulang kahita mula sa bulsa nito.
"Lira Mysterio, will you marry me?" anito matapos buksan ang pulang kahita. Sa loob niyon ay tumambad sa kanya ang isang singsing na may isang napakalaking diyamante sa gitna. The ring looked exquisite and expensive. Kahit na sinong babaeng maalayan ng ganon kagandang singsing ay mapapasagot ng "oo" sa proposal nito. Bukod pa iyon sa nakapagwapong lalaking nakaluhod sa harap niya.
Pero alam niyang hindi ganon kasimple ang lahat. Para sa kanya, ang kasal ay para lamang sa dalawang taong nagmamahalan. At hindi ganon ang nangyari sa kanila. Siya lang ang nagmamahal, all she gets from him was his guilt and sense of responsibility.
"No." matigas na aniya.
"W-what?" bulalas ni Yvo. Napatayo ito at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya.
"I can't marry you."
"B-but why?" his voice croaked.
"D-dahil..." napalunok siya. Kaya ba niyang umamin sa harap nito? Na mahal na mahal niya ito kahit na hindi naman siya nito mahal? Napailing siya. "H-hindi ko kailangan ang awa mo. Mas lalong hindi ko kailangan ang paninidigan mo."
She heard his irked sigh. Madilim ang mukhang hinarap siya nito. "Sa tingin mo ba, inaalok kita ng kasal ngayon dahil lang sa responsibilidad ko sa'yo?"
"Bakit, hindi ba?"
"How can you be so insensitive? Ni minsan ba ay hindi mo nadama ang pagmamahal ko sa'yo? Didn't it ever occur to you that everything wasn't just about my responsibility to you?" puno ng hinanakit na anas nito.
She was speechless. Tama ba ang narinig niya? Mahal siya nito?
"Akala ko noong una, responsibilidad lang ang tingin ko sa'yo. That I felt guilty, because you were a virgin. But who was I fooling? Alam kong hindi makatarungan ang pilitin kang pumasok sa isang kasunduan para lang sa responsibilidad na sinasabi ko. I felt so pathetic, to have done something like that. But I never cared, dahil alam kong noong una palang kitang makita ay alam kong nakaramdam na ako ng kakaiba. Love at first sight? What the hell? It was the lamest joke I've ever heard. But damn! It just happened to me when I saw you."
Muli siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib. But this time, hindi dahil sa sakit kundi dahil sa sobrang kasiyahan. Napatingin siya sa nahihirapang mukha ni Yvo. He's even on the verge of crying! Namumula na ang mga mata nito. Pero kahit gaano pa siya kasaya, kailangan pa rin niyang makasiguro.
He reached for her hands and held them tight. For a moment, she was so shocked to see how hurt he was. "I can accept a thousand of rejections coming from you, but I'll never get tired proposing until you'd accept me."
"I s-saw you that day. You were with Cheska." she accused.
"I was congratulating her. Nagpaalam na rin ako sa kanya."
"Magpapa-alam lang, may payakap-yakap pa?" asik niya.
"We were friends, natural lang naman iyon sa amin."
"Kung ganon ay normal lang na magpayakap rin ako kay Lexus?"
"Hell no!"
She gave him a half-smile. She thought he's sweet, pero alam niyang wala siyang panama kay Cheska. "Pero mahal mo si Cheska." napayuko siya. "You confessed everything to me."
"That day, I bade her goodbye. I was so glad to see her happy with my brother. Alam mo ba kung bakit ni katiting ay hindi ako nakaramdam ng sakit o inggit sa kasal ni Kuya? For the first time in my life, hindi ako nakaramdam ng insecurity sa kanya."
"D-dahil, natanggap mo ng hindi kayo ni Cheska ang para sa isa't isa?"
"Dahil alam kong magiging masaya rin ako sa araw ng kasal ko. I've never been this sure in my entire life, but whenever I see your sweet smile, I just know I'd be happy. You are my happiness Lira. And I am willing to do everything just to have you."
"Y-you just wanted to have my baby!"
"Alam mo bang halos mabaliw ako nang malaman kong umalis ka ng hindi nagpapaalam? I even thought your parents were hiding you! Pitong buwan akong natulog sa loob ng kotse ko para lang antayin na lumabas ka sa bahay ninyo. Ginawa ko na ang lahat ng paraan para lang mahanap ka, iyon pala ay sa bahay ni Lexus ka lang nakikitira. I almost killed him when I learned about it. Kung hindi niya sinabi kung saan kita makikita, malamang na sa lamay na tayo nagkaharap ulit."
Napanganga siya sa isiniwalat nito. Kaya ba may kaunting galos ito nang una itong bumisita sa kanya? Kaya ba matagal ng hindi nakakadalaw sa kanya si Lexus? Bigla ang pagbangon ng inis at pag-aalala sa dibdib niya. "You fool! Bakit pati si Lexus idinamay mo?" hindi niya namalayang nakalapit na siya rito.
Natigil lamang siya sa paghaplos sa pisngi nitong may kaunting gasgas pa nang mapansin ang matamang pagkakatitig nito sa mukha niya. Pinamulahan siya ng mukha ng makita ang nakakalokong ngisi nito. Inis na itinulak niya ito.
"I can see how much you love me, angel."
"Conceited much?" angil niya.
"Kailan ka ba aamin?" naglakad ito palapit, hanggang sa nasukol siya nito sa pagitan ng malamig na dingding. His amrs imprisoned her from the cold wall. "Say that you love me too." gone was his teasing smile, napalitan iyon ng nagmamakaawang tingin nito.
Kagyat siyang napapikit. She can't fight the urge to kiss him. Argh! She's going crazy! Napamulat siya ng marinig ang malutong na halakhak nito. She's so ready to yell at him, ngunit hindi iyon natuloy ng mapansing nakaluhod na ito sa harap niya.
"Will you marry me, angel?" seryosong nakatitig ito sa kanya. "Please say yes."
"S-sigurado ka bang hindi lang dahil sa responsibilidad kaya mo ako gustong pakasalan? Na hindi lang dahil sa ayaw mong may isang Mondragon ang hindi mabibigyan ng pangalan? T-that you are over Cheska? Na...m-mahal mo talaga ako?"
"Handa akong gawin ang lahat paniwalaan mo lang ako."
"Kapag niloko mo ako, hihiwalayan talaga kita." nanunulis ang ngusong aniya.
"That would never happen. Not even in you wildest dream, angel. Mamatay man si Lexus ngayon, pero hindi kita magagawang lokohin kahit na kailan."
"Silly. Let's apologize to him later." she didn't wait for him to protest. Natatawang pinagsaklob niya ang dalawang kamay sa batok nito and gave him an earth-shattering kiss, na malugod naman nitong tinugon. How she missed his kiss! Isang malakas na pagtikhim ang nagpatigil sa kanila.
"D-dad!" she exclaimed.
Namumutlang napatitig siya sa daddy niyang halos magbuhol na ang kilay habang nakatitig sa maumbok niyang tiyan. While her mom, just behind her father was already crying. Napahigpit ang yakap niya kay Yvo. "D-dad, m-mom. I can explain." she stammered.
"You really should!" sikmat ng daddy niya.
"Honey, you're scaring my baby." saway ng mommy niya. "Let's talk later." nakangiting anito. "Don't worry, Yvo already told us the whole story." anito habang iginigiya ang daddy niya palabas ng bahay. "I'll take care of him." her mom silently mouthed to her.
"Did you see that look in their eyes? Oh my, parang nakikita ko lang ang mga sarili natin sa kanila bago pa man tayo maikasal." narinig niyang anang kinikilig na mommy niya sa daddy niyang iiling-iling habang palabas ng bahay.
Noon niya naalalang hindi pa niya natatanong ang mga ito kung bakit bigla na lang hindi natuloy ang panggigisa ng mga ito kay Yvo noong dumalaw sila sa mga ito. She'll really ask them later, although she already has an idea about her mom's answer.
Tuluyan na siyang napangiti. Sobrang saya niya. Sa wakas ay dumating din ang araw na naging masaya at maayos ang lahat sa buhay niya. Nilingon niya ang ngingiti-ngiting si Yvo. He kissed her forehead.
"Hindi mo pa ako sinasagot ng yes." ungot nito.
"Yes, I will marry you. I love you so much, Yvo." bulong niya.
"I love you, angel, more than anything else in this world."
Mula sa gilid ng kaniyang mga mata, habang kalapat labi niya si Yvo ay kitang kita niya ang kinikilig na mommy at ang iiling-iling na daddy niya na pasimpleng sumisilip mula sa pinto. Natatawang napayakap na lamang siya kay Yvo.
"Ituloy natin mamaya, pag wala ng audience." pilyong bulong ni Yvo. Sabay pa silang napahalakhak. "I love you, angel."
~end~