chapter 20

2138 Words
"A-ano po?" Gulat na tanong ni angel kay fire. "I mean we're just gonna sleep in one room, it's not what you think." Nakahinga ng maluwag si angel dahil sa sinabi ng lalaki. But if you want... we can." Pahabol ni Fire tsaka na-unang naglakad papunta sa kwarto nila habang si angel ay parang napako sa kinatatayuan. Ilang minuto siguro siyang nakatayo lang sa may hagdanan tsaka niya naisipang umakyat na rin. Bago siya pumunta sa kwarto nila ni fire ay dumaan muna siya sa kwarto ng anak niya upang kumuha ng unan na gagamitin niya mamaya. Lalabas na sana siya ng naisipan niyang bumalik muli sa kwarto ng anak nya at kinuha ang shoulder bag niyang napakabigat. Malay niya ba mamaya, may gagawin yung kamanyakan. Princess!! Babe!! Napahawak siya sa kanyang ulo nang biglang sumakit 'yun at dalawang boses nang lalaki ang narinig niyang sumisigaw Umupo muna siya saglit mga limang minuto nang maramdaman okay na siya kaya agad siyang tumayo Pagpasok niya sa kwarto ay dahan-dahan niyang isinara ang pintuan at dumiretso sa kama. First time niyang humiga sa isang kama kasama ang isang lalaki. Maliban na sa anak niyang si lester at sa lalaking ama nang anak niya na hindi man lang niya alam kung sino Pagkahiga niya ay pansin niyang nakahiga patalikod sa kanya si fire kaya't 'di na siya masyadong nailang, linagyan niya na lang ng extra unan ang space para mapaghiwalay sila para makasiguro lang. Pagkagising niya sa umaga ay pansin niyang medyo may mabigat na nakapatong sa kanyang hita. Pilit niya iyong hinahawi ngunit mas lalo pa itong nagsusumiksik sa kanya. "Lester ... urong, di makahinga si mama." Sambit niya habang nakapikit pa rin ngunit bigla niya na lang realize na hindi si Lester ang kanyang katabi dahil pasimple niyang hinaplos ang braso nito. Muscles? Kailan pa nagkaroon nang muscles ang anak niya? Alangan namang tumanda ito bigla? Bigla niyang naidilat ang kanyang mata at napasigaw. "Sunog!!!" At dahil sa sigaw niya ay nagising si fire. "Sunog?! Saan ang sunog?!" sigaw ni fire. Patuloy pa rin ang kanyang pagtitili nang wala sa sariling nahagip niya may kalakihang alarm clock sa katabing mesa at naihampas ito sa ulo ni fire umikot ikot pa ang mata nito bago pumikit Natigil ang kanyang pagtitili nang marealize niya kung ano na naman ang nagawa niya. Dahan-dahan siyang yumuko at tinignan ang lalaking nakatulog muli. "Patay, ako nito may bukol na naman siya. Eh kasi naman e!" Sambit niya habang kinakagat ang kanyang hintuturo. Nauna na siyang bumaba at nag-ready ng mga kakainin nila. Sabado ngayon kaya't hindi niya kailangang gisingin ang bata. Enjoy na enjoy siya sa pagluluto ng may tumikhim sa kanyang likod. "Ay! anak ka ng kabayo!" wala sa sariling naibulalas niya. Kukuha pa sana siya ng plato na ihahampas ng kung sino'ng tumikhim nang may pumigil agad sa kamay. "Oh no, you're not gonna hit me again!" Titig na titig ito sa kanya pagkatingin niya ay si fire pala. "S-sorry sir. I-ikaw naman k-kasi e. s-sabing wag niyo akong bibiglain." Hinging paumanhin niya sa lalaki. Narinig nya namang napabuntong hininga ito. Dahil sa matangkad ito ay kailangan niya pang tingalain ng tingin ang lalaki. Medyo napangiwi siya ng makita ang bukol sa noo ng lalaki. Nagtaka naman si fire kung saan nakatingin si angel kaya't kumunot ang noo niya . nang maalala niyang may bukol na naman pala ang noo niya dahil sa pagkahampas nito ng alarm clock sakanya kaninang umaga. 'Steel 'yung hinampas nya! Steel na alarm clock! Sino'ng hindi magkakabukol non?' Malayo nga sa ugali nang asawa niya sweet yung asawa niya ito naman amazona Tumikhim naman siyang muli "We have to talk about things later." Tumango naman ang babae Pagkatapos nilang kumain ay pansin niyang nahihirapan ito sa pag-ayos ng tie kaya't linapitan nya ito at siya na mismo ang nag-ayos nito. "Ganito muna sir, tapos ipasok mo dito, hawakan mo yun tapos ipasok mo ulit then higpitan mo. Madali lang diba?" Pakiramdam niya matagal na niyang ginagawa 'yun kasi alam na alam niya "Mama." Napangiti si Angel nang makita ang anak niya nilapitan niya ito at hinalikan sa magkabilang pisngi masaya siya dahil ramdam niyang masarap ang tulog nito dahil sa wala nang sigaw na naririnig hindi na rin ito pinapapak ng lamok at mas lalong hindi na ito naiinitan dahil di aircon na ang kwarto "Son, nalaman kong tumitira na kayo sa iisang bahay babae mo?" tanong ng kanyang ina. "Yes ma pero hindi ko lang siya basta babae you know that, and you're going to meet her tomorrow night." Sagot niya sa kanyang ina.Pansin niya namang nakangiwi ang bibig ng kanyang ina at tumitingin sa noo niya. "What happened to your head son?" tanong muli ng kanyang ina. "I got hit." Ilang segundong katahimikan at humagalpak na ng tawa ang kanyang ina. "Seriously, you got hit by your girl? Hahaha! No one have ever dared to hit you my son!" sambit nito habang patuloy parin ang pagtawa. He just rolled his eyes, as expected. Wala kasing nagtatangkang sumakit sakanya dahil mapababae o lalaki ay pinapatulan nya talaga. "But why did you got hit?" Muli nitong tanong nito sakanya. "Ayaw niyang binibigla siya, everytime na nabibigla siya kahit mabigat ang bagay ay ihahampas niya sa nang bigla sa kanya. And take note, wala sa sariling nagagawa niya yun." He boringly answered. "Now, I really want to meet your special someone! She's funny and interesting." Napasimangot siya sa kanyang ina ngunit ilang sandali lang ay lihim siyang napangiti. Nasa sala sila ngayon ni angel at fire upang pag-usapan ang sinasabi nitong mga do's or don'ts. Masyadong seryoso ang mukha ni fire kaya't medyo naiilang si angel. Kamuntikan pa siyang mapatalon nang nagsalita 'to. "So here we go. The do's and don'ts... No hitting, no crossing of boundaries, no to too much asking of questions, no telling anyone about this deal. and never fall inlove with me. We should act sweetly infront of my parents at bawal magreklamo." Susundin niya nalang ang mga do's and don'ts nito, 5 months lang naman kaya't gagawin niya nalang. Sana'y walang magtulak sa kanyang boss o sakanya para magkiss. Nai-imagine niya palang na magkakahalikan sila ay nangiinit na siya. Wala pa kasi syang nahalikan. (except sa ama ni lester na hindi niya maalala kung papano). Naaalala niya tuloy ang mga labi ni fire, ano kaya ang pakiramdam na mahalikan ito? Parang ang sarap kasing kagatin ang labi niyang medyo mapula-pula. Ipinilig na lang niya ang kanyang ulo dahil kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan niya. Ba't ba nagiging malaswa ang pag-iisip niya pag ang boss niya ang naiisip niya? Pinilig niyang muli ang kanyang ulo tsaka tinignan ang kanyang boss na mataman lang na nakatingin sa kanya. "So, tell me about yourself Angel. And don't think of lying because I know that you just faked your personal information to apply in my company." Napanganga at namilog ang kanyang mga mata sa sinabi nito. "don't worry, I just want you to tell some things about yourself. 'di ko tatanungin kung sino ang mga magulang mo." Dagdag nito. Tinignan nya naman ito tsaka siya pumikit ng mariin. "Pano ba niya sasabihin? Hindi ko alam siguro ang gulo nang buhay ko basta ang alam ko nagising ako na lang ako isang araw wala na akong maalala pati pangalan ko kaya may taong tumulong sa akin" Tsaka siya ngumiti. Nakita niya ang mukha ni fire na may bahid ng pagkagulat. Na tila nakakita nang patay na nabuhay Kung bakit hindi niya alam "Mauna na po ako sa kwarto. Pupuntahan ko na po si lester." Tsaka tumayo sa kinauupuan at pumunta sa kwarto ng kanyang anak. Nakanganga siyang tinitignan ang mga damit na ibinili sakanya ni fire dahil magdi-dinner sila sa bahay ng ina ng kanyang boss. Napalunok siya nang makita ang design. Isang peach halter knee-high dress na pinaresan ng black stilettos. Nang sinukat niya ito ay tamang-tama lang ang size nito sakanya. Naglagay din siya ng light make up tsaka inilugay lang ang kanyang buhok. Kwento ni fire nakapag asawa daw muli ang ina nito at sobrang bait daw kaya wag siyang matakot dahil mukhang nakakatakot lang daw ang awra nang mga ito pero mabait naman raw talaga sila Huminga muna aiya ng malalim tsaka lumabas ng pintuan, habang pababa siya ng hagdan ay nakita niya si fire na nakatingin lang sa kanya, nakita niya ang pagtaas baba ng adams apple nito. Hanggang sa nakarating na siya sa harapan nito pero diretsyo lang itong tumitingin sa kanya. "s-sir.. pangit po ba?" tanong niya sa kanyang boss. "No, no. You're actually... gorgeous." Ramdam niyang nag-init ang mukha kaya't yumuko siya. Nabigla aiya nang hapitin siya nito sa kanyang bewang ihahampas na naman sana niya ang hawak niya nang hawakan siya nito sa kamay lumapat ang kamay nito sa kanyang balat na kahit natatakpan ng tela ay ramdam niya parin ang init. "Mama." Napalingon siya sa kanyang anak at nakita niya itonh naka striped-polo at maong na pantalon. Sasama kasi ito sakanila. Tiningala nya si fire na may ngiti sa labi. "Let's go." Kung titignan sila para silang pamilya lalo na sa mga hindi nakakakilala sa kanila Ilang sandali lang ay dumating na sila sa bahay ng mga magulang ni fire. Halos mapanganga siya nang makita ang bahay nito este mansion na pala. Pagbaba nila ng sasakyan ay napasinghap siya nang hinawakang muli ni fire ang kanyang bewang. Pumikit na lamang siya at inalalayan ang kanyang anak. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Paano kung hindi ako matanggap ng mga magulang niya? Tanong niya sa sarili ngunit ipinilig niyang ang kanyang ulo. Ba't siya nag-aalala kung magustuhan siya o hindi ng mga magulang nito e nagpapanggap lang naman sila? Pagdating nila sa pintuan ng bahay ay agad na sinalubong sila ng mga magulang ni fire. Agad naman siyang linapitan ng isang babaeng sa tingin niya ay ina ng boss niya bahagya pa itong nagulat hindi niya alam kong para saan ang gulat na yun. "H-Hello there, you must be Lai-i mean Angel?" tanong nito sakanya. Naguguluhan man ay sinagot pa rin niya ito."Yes tita." Sagot nya. Nginitian siya nito."Just call me mom and call my husband dad, okay?" she shyly nodded. "So welcome to the family! Let's go in? malamig dito sa labas." Pagdating nila sa may kusina ay napalunok siya sa dami ng pagkaing nakahain doon. "Mama, saan tayo?" tanong ng kanyang anak nang makaupo sila. Lahat naman ay nakatingin sakanilang dalawa ng kanyang anak. "Who's this cute little boy?" Mangiyak iyak na tanong ng ina ni fire hindi niya alam kong para saan ang yun "He's uh- ahm-" "He's leater, my son." Sagot agad ni fire. Napatingin naman sa kanya si angel at ang mga magulang nito. "Son! Hindi mo talaga sinabi sa amin na may apo na pala kami?! OMG dear, may apo na tayo." Sabi ng ina ni fire. Napayuko na lamang siya. "Bakit hon? Diba yun naman ang gusto mo?" Tanong nang ama ng binata "Yes, pero 'tong batang 'to! Ni hindi sinabi sa ating may anak na pala siya!" Patuloy lang ang pagkain ni fire habang ang kanyang ina ay patuloy lang sa pagsesermon. Agad namang tumayo ang ina ni fire at nilapitan silang mag-ina. "Ka-cute ng batang ito!, kamukhang-kamukha niya si fire nong bata pa siya!" masayang sambit ng ina ni fire sa asawa nito. "Dalhin mo nga ang picture ni fire dito dear nang makumpara ko." Utos ng ginang sa asawa agad naman itong sumunod. "Mom!" awat ni fire. "Don't you dare fire! Akala mo wala kang picture nong baby ka? Tsk masami ka no'n dito!" napatampal na lang ng noo si fire dahil wala siyang magawa upang mapigilan ang kanyang ina. "Just look at lester and fire! Magka-mukhang-mag-kamukha talaga sila. Diba Angel?" tanong sa kanya ng ginang sabay pakita ng letrato ni fire sa kanya. Halos mabilaukan siya dahil sa kanyang nakita. Totoo nga! Magkamukha talaga Pagkatapos nilang kumain ay inaya siya ng ginang na makipag-usap sa sala habang si fire ay nakikipag-usap sa kanya ama nito Tinanong lang naman siya ng ginang ng mga bagay-bagay. Tungkol sa love story kuno nila Leo. Nakokonsensya nga siya dahil nagsisinungaling siya sa isang napakabait na babae. "Son, that kid exactly looks like you!" mahinang saad nang kanyang ama Ang daming mga gumugulo sa kanyang isipan sumasakit na ang ulo niya dahil don "Mom, Dad, we need to go home. May pasok pa bukas si lester." Paalam niya sa kanyang mga magulang. Tinatid pa sila nang mga ito hanggang sa kung saan naka park ang sasakyan niya Pagdating nila sa bahay ay tinulungan niya lang si angel na kargahin si lester papunta sa kwarto nito. Pagkatapos nyang ihatid si lester ay nauna na sya sa banyo upang maglinis ng katawan. "Damn, I really need a DNA test for lester." Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD