Chapter 20 Hindi mapakali si Liu habang nasa opisina siya. Hindi nagre-reply sa kanya si Thalia mula pa kaninang tanghali. Kahit si Manang na kasama nila ngayon sa bahay, hindi raw sumasagot si Thalia kahit kinakatok na siya sa kwarto. Halos paliparin na ni Liu ang sasakyan niya para lang makauwi na agad sa bahay. Ilang araw na niyang napapansin na tila malungkot si Thalia. Alam niyang may iniisip ito. Hindi niya nga lang alam kung ano ang problema nito. Pero sana naman, kung ano man iyon sana mapag-usapan nila nang maayos at masolusyunan. Hindi siya sanay na hindi ito nagbubunganga. Na hindi siya nito inaaway o sinusungitan. Mas gusto niya 'yong madaldal na version nito. Mas gusto niya 'yong ugali nitong expressive. Hindi kagaya ngayon, nanghuhula lamang siya kung may nagawa ba siyang

