Chapter 14 "Uy, sumagot ka," ulit na sabi naman ni Liu. "Ha?" Tanong naman ni Thalia dahil matagal siyang natulala sa mukha ni Liu at hindi niya narinig ang naunang sinabi nito kanina. "Ha ka riyan? Halikan kita eh. Tumakas ka na nga kahapon, at hindi ka pa nakauwi kagabi. Hindi mo pa nga ako pinapakasalan, pero magiging biyuda ka na yata. Hindi ako nakatulog kagabi. Kung pwede ko lang siguro na liparin ang papunta rito kahit maulan kagabi. Buti alam ni Selene ang address nito," sermon ni Liu kay Thalia. "Ang sweet niya, Ate Nat-nat. Pakasalan mo na siya. Dali," nakangiting sabi ni Rosy. "Oo nga, anak. Mukhang mabait 'yang si Lee. Chinese ba 'yan siya?" Tanong ni Auntie Rosy sa kanya. Natawa naman si Thalia sa Auntie niya. "Auntie, hindi po siya Chinese. Liu po ang name niya. L-I-U,

