SEIA POV. May galit pa din sa gitna namin ni Margauxx. Hindi kami nagkikibuang dalawa at para bang hindi namin nakikita ang isa't-isa. Halos hindi ko na din pansinin si Ja dahil hindi pa din ako sang-ayon sa kanilang gustong gawin at kung may plano man sila ay labas na ako doon dahil hindi ako nakikihalubilo sa kanila. Kilala nila ako kapag ganito ang aking aksyon kapag ayaw ko ay ayaw ko talaga. May natanggap akong tawag mula sa Police Station at kailangan ko pumaroon kasama si Sophia dahil halos magiisang buwan na sa akin ang batang ito. Hinahanap niya din parati ang daddy niya pero nawawala din agad ito dahil pinaparamdam ko sa batang ito na andito lang ako sa tabi niya. Nagkotse kami at dumeretso kami sa Police Station. Pagkarating namin doon ay nakita na agad ni Sophia ang daddy

