Maya-maya pa ay lumabas na siya na naka tuwalya lang. Para sa isang lalaking labimpitong taong gulang ay masasabi mong ganap na ang kanyang katawan. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya. Nagbihis na siya at umupo sa kanyang kama. "Feed me now," utos niya sa akin. Hindi ko alam kung nang-iinis ba siya o ano pero sinunod ko nalang ang utos niya at kinuha ang pagkain upang subuan siya, "Ito na po," sabi ko sabay kuha ng bacon at kanin na may kasamang piniritong talong. Sinubuan ko na siya at pina-inom ng tubig. Ang bagal niua ngumuya ng pagkain kaya mas lalo akong nainip. "So tell me about yourself," wika niya kaya nagulat ako. Hindi ko alam kung bakit biglang nag-iba ang pakikitungo sa akin ni Anthony ngayon. Nakakapanibago lang kasi. "May pasok pa po ako, Sir. Pwede po bang mamaya nal

