Abala naman kami ni Belle sa pag-aayos ng booth namin. Valentines Day kasi ngayon at maraming mga activities ang magaganap dito sa school. "Frenny, have you seen Brandon?" tanong sa akin ni Belle habang inaayos ko ang mga dekorasyon sa loob. Napatigil naman ako at napatingin sa kanya sabay ngiti ng nakakaloko. "Hindi. Bakit mo naman siya hinahanap?" tanong ko. "Ikaw ha, may hindi ka sinasabi sa akin, Frenny." Namula naman agad si Belle kaya mas lalo ko siyang inasar. "Frenny naman, I'm shy kasi to tell you this," pahayag niya sabay lapit ng kanyang bibig sa tenga ko. "He's courting me since first day of February ," sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Napahawak naman ako sa bibig ko at napatawa ng todo. "Seryoso ka?" 'di makapaniwalang sabi ko sa kanya. "Bakit ngayon mo lang sinabi

