Capitulo Uno

1324 Words
"Tonta!" My father's voice echoed inside his large library. He threw his stress ball on the floor and faced me. His face and neck are so red showing how enraged he was with the news I brought him. "Anong kapalpakan na naman 'to, Deborah?! You lost on that... puta of a race?!" Here he goes again... "--And another thing, I let you handle the ranch pero namatayan ka ng kabayo?" "But I'm managing it well papá and as for the race i-it's just that--" "Really?! Because if you really are managing it well hindi ka basta-basta mababawasan ng kabayo! This is the second time na nawalan ka ng magaling na asset sa rancho, Deborah. You know how competent Lastis is... It's you who's so incompetent! And don't give me a made up excuses on why did you lose! At talagang sa isang pipitsuging karera pa!" He scoffed and with both of his hands on his waist he turned his back on me. Iniyuko ko nalang ang ulo ko at itinikom ang mga labi. My teeth gritted in annoyance but I still kept a stoic face. I don't want to anger him more. Pabalik-balik itong naglakad sa harap ko na nakapamewang at halatang problemado. His face looks older than his real age at dumami na din ang mga puting buhok nito dulot ng stress sa sobrang pagtatrabaho. Mas marami pa nga ang oras na ginugugol niya sa trabaho at mga negosyo niya kaysa sa akin na anak niya. But then... Why would he waste his time on me when pain is the only thing I always brought him? Pain brought by that one fateful day that even I did not want to happen. "Now, you have to be very careful on handling this ranch, Deborah Beatris. How can I trust you with our other businesses kung dito palang ay palpak ka na?!" I smirked inwardly. Since when was the last time that I felt his trust on me? Noong maayos pa ang pamilya namin. Ni ang pagpapatiwala niya nitong rancho sa akin ay tila hindi buo, hindi bukal sa puso parang ginawa niya lang ang pagpapasa ng responsibilidad para makahinga siya ng kaunti, para mabawasan ang mga pasanin niya sa dami ng mga trabahong nakapatong sa likod niya. Pero iyon naman talaga ang rason ng mga pamana hindi ba? Ang ipasa ang responsibilidad. Lastis and Carpo's death- our stallions who died- was caused by their age and failing health. Matatanda na ang mga ito at hindi na kakayanin pang lumaban pero pinipilit ni papá na ang mga ito ang isali. Pipitsugin, really? Eh, bakit pa namin pinatos kung "pipitsugin" lang? Tsk. I'm sure he doesn't even know that they can't race anymore dahil nakapokus lang ito sa mga negosyo niya sa Maynila at napansin lang niya ang mga ito ngayong sinabi ko ang pagkawala ng dalawang kabayo dahil sa kapalpakan ko. Ganito naman lagi. Simula nang naging miserable kami mga kapalpakan ko nalang ang napapansin niya at hindi ako bilang anak niya. Ang hirap magpakaperpekto. Bringing the surname of Mr. Severino Turizo comes with great responsibilities. You have to be the best. You always need to be on top. And there's no room for such failures. Above all you have to be "perfect" but how? When there's no such thing in this world as perfect. No matter how flawless a person is, there is and there will always be a part of her that's scarred, that is flawed. If he wanted a perfect daughter then he shouldn't have expected it from me. He knew I'm not perfect, I'm way too far from becoming one. Napapabuntong hininga nalang ako kada naiisip ko ang mga nangyari. Hanggang ngayon naapektuhan pa din ako. I guess I have to live with it forever, I have to deal with it for eternity. "Papá, I'm sorry." Nakayuko ang ulo ko habang humihingi ng tawad. Hindi lang sa ama ko. Paulit-ulit akong humihingi ng tawad sa isip ko para sa mga nangyari noon at sa sarili ko. Kung 'di lang ako naging mahina, kung 'di ko sana iniwan si Mamá hindi sana kami ganito ka miserable ngayon. Papá changed a lot, hindi ko makapa sa kaniya ang ugali niya noon bago nawala ang ina ko sa amin. Maybe I didn't recognized it. That somewhat, there's also a part of me that's changed. But will blaming myself because of what happened do me any good? Pero kahit paano ko pa pakalmahin ang sarili ko na wala akong kasalanan, deep inside me I'm shouting-- scolding myself of how heck of a failure I am. "I-I'll go to my room now, Papá. Perdóneme." (Excuse me) "Deborah..." "S-sí, Papá?" "Por favor. Bigyan mo naman ng kahihiyan ang pamilyang 'to." Napabuntong hininga ang papá at saka ako mataimtim na tinitigan. Alam na alam ko kung ano ang ipinapahiwatig ng papá at hindi ko maiwasang masaktan kapag pinapamukha niya sa'kin ang mga pagsisisi niya at ang mga kasalanan ko. How can he even call us a family? Pamilya pa nga ba kami kung tawagin? "Bueno, humayo kana at matulog." He said, finally dismissing me. "Gracías papá." Tinalikuran ko na ito at umakyat. Habang papaakyat ako ay nadaanan ko ang larawan ng aking mahal na ina. She is truly a beauty. No wonder that in her time men were flocking around her to gain even just a glimpse of her attention. My mother was a natural charmer, from her ebony like of a hair, hazel brown eyes-- that are very captivating, and her aristocratic nose, her thin red luscious lips shaped like cupid's bow, and her small face. Idagdag pa na may magandang kurba ng katawan ang aking ina sa kanyang kabataan. Purong Espanyola si mamá. Taga España na piniling manirahan dito sa Pilipinas sina Abuelo at Abuela at dito na rin bumuo ng pamilya. Kaya't walang duda kung saan nakuha ni mamá ang kaniyang angking taglay na kagandahan. Naalala ko bigla ang aking kabataan, noong mga panahon na kasama ko pa ang pinakamamahal kong ina. Walang katulad ang kaniyang kabaitan at may napakabusilak na puso ang aking ina. Her wisdom was too deep na aakalain mong walang makatitibag ng kaniyang mga paniniwala. Her principles and virtues in life were the ones that made me admire her so much. "Beatris hija, lagi mong tatandaan na ang lahat ng bagay sa mundong ito ay hiram lamang sa Maykapal, lalo na ang ating buhay. Kung kaya't pahalagahan mo ang buhay na meron ka dahil hindi lahat nabibiyayaan nito." Wika ni mamá habang malamyos na sinusuklay ang aking buhok. "Ngunit mamá kung tunay ngang biyaya ang buhay bakit nagdurusa ang mga tao? Bakit may mga naghihirap? Bakit may mga nasasaktan? Biyaya nga bang matatawag ang buhay ng tao mamá?" Napahalakhak si ina sa aking sinabi. Her laugh's like a music to my ears. "For a ten-year-old girl, you're already smart." She teasingly pinched the tip of my nose and laughed. "Tunay kang matalino anak at marami ka pang dapat na matutunan. Ngunit kahit sa mga mahihirap na sitwasyon na ating kakaharapin sa buhay ay huwag na huwag mong kukuwestiyonin ang plano ng Diyos. Magtiwala ka sa kaniya anak, tandaan mo yan." Ngumiti sa akin si ina at napangiti na rin ako sa kaniya. Señaló, Mamá. (Noted, Mama) Isang napakagandang alaala... "Kung sana'y nandito ka pa mamá... Kung sana'y maibabalik ko pa ang panahon... I miss you so much." Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. 'Walang lugar ang mahihina sa mundong to, Deborah! 'Yan ang tatandaan mo!' Agad ko namang pinalis ang luhang lumandas sa aking pisngi. Right! I shouldn't be weak. Weaklings don't have a room from this hell of a place. Agad na akong pumasok sa aking silid at nilock iyon. I walked towards my bed and layed myself in there. I need to rest. Bukas ko na aalalahanin ang mga problema ko kaya ipinikit ko na ang mga namimigat kong mga mata at hinayaang lamunin ako ng dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD