Capitulo Once

2421 Words
Ang sarap ng tulog ko kaya lalo kong hinigpitan ang yakap sa unan na mabango at matiga-- teka ba't matigas ang unan? Hindi ako halos makahinga nang bigla humigpit ang yakap ng kung sino sa akin. Then I remembered... Si Arturo! Iminulat ko agad ang aking mga mata. Sinubukan kong gumalaw upang makawala sa pagkakayakap niya sa'kin ngunit lalo lang pumilipit ang mga braso nito dahilan ng pagkakasiksik ko lalo sa dibdib nito. I growled. "Tsk." Maingat kong itinaas ang ulo upang makita ito na ngayo'y mahimbing pa ang tulog. I lowered back my head and sighed. Naalala ko bigla ang nangyari kaninang madaling araw. Oo nga pala, he was with me. And he helped me. Ito ang unang tao na tumulong sa akin sa pagkalma dulot ng bangungot ko. I stared at his handsome face. He looks so peaceful while sleeping. The rays of the sun from the glass window shone upon his sleeping face that hightened his appeal more. Dio! Stop praising the good looks of this man, Deborah! He's already taken. Naka 'pag nagising to at nakitang nakatitig ako sa kanya isipin pa nitong pinagnanasaan ko siya. Dios Mio! Gumalaw ako ulit upang makawala nang biglang... "Susmaryosep, Ginoo!" Taranta akong napatingin sa nagsalita at nakita si Manang Tess na nakatakip ang kamay sa kaniyang bibig habang nakatingin sa amin ni Arturo na para bang nakakita ng multo. Agad nanlaki ang mga mata ko. Kung bakit ganyan ang reaksyon ni manang... Nakasiksik lang naman ako kay Arturo habang siya naman ay nakayakap sa akin o mas tamang sabihin na--pinipilit ako. Nanlalaki ang mga matang tumingin ako kay manang Tess. "M-mali po ang iniisip niyo, manang kung ano man yan. M-magpapaliwanag po a-ako!" Nagpalala sa sitwasyon ang ginawang pag-ungol ni Arturo at ang lalong pagpilipit nito sa akin. He angled his head at siniksik ang mukha sa aking leeg. Hindi ako nakakilos dahil sa ginawa nito at pinigil ang aking hininga. Parang ninakaw ang hangin ko sa baga. Si manang naman ay parang naestatwa sa kinatatayuan. Same feels po, manang. Same. Nang makahinga na ako ng maayos ay mahina kong tinapik ang braso ni Arturo. Kamay ko lang ang pinapagalaw ko but my head and whole body remained stiff as a concrete. "A-arturo, gising na..." Paggising ko dito kasabay ng mahinang pagtapik sa braso. "A-arturo," may diin kong saad. "Hmm..." I looked at his face that's currently buried at the hollow of my neck. My cheeks are burning so bad in shame! Nakaka-eskandalo ang ginawa nito! Nakaka-eskandalo ang posisyon namin! Dahil sa sobrang hiya ay hindi ko napigilang sumigaw para lang makawala. "Arturo!" He opened his eyes slowly and batted them, adjusting his eyesight. Ilang sandali pa'y itinaas nito ang paningin sa akin at ngumiti habang ang kanyang mga mata'y medyo nakapikit. The sun reflected against his gray orbs. For a moment, I was captivated. They are such a sight to behold. "Good morning," bati niya sa napapaos na boses. Natigil ulit ang aking paghinga ng marinig ang medyo paos pa na tinig nito. Saglit kong nalimutan na nasa harapan pala namin si manang at nakatingin sa aming dalawa. Nang bigla itong tumikhim na nagpabalik sa aking ulirat. Agad akong kumalas sa yakap ni Arturo nang unti-unti itong lumuwang. Nang magawa ay tumayo ako at nenenerbiyos na humarap kay manang. "A-ah, manang... ano po. W-wala po kaming ginawang masama ni Arturo. Maniwala po kayo." Nini-nerbiyos man ay itinaas ko pa rin ang kanang kamay ko para ipakita na hindi ako nagsisinungaling. Nabaling naman bigla ang tingin ko kay Arturo nang marinig itong humalakhak. Ano bang nakakatawa sa sitwasyon namin? Baka pinag-iisipan na kami nito ng masama ni manang tapos siya kampanteng nakaupo diyan at may gana pang tumawa?! Pinamewangan ko ito at matalim na tiningnan. "Would you mind helping me explain?" Sarkastiko kong balik dito. Tinagilid nito ang ulo at hinilot. "Tss. You're paranoid, Beatris. Hindi malisyosa si manang katulad mo." His eyes stilled in my direction. Napanganga ako sa sinabi nito. "H-hah! Ako? Malisyosa?!" Tinaasan lang ako nito ng kilay. "Eh, kasi naman! Nakita lang naman tayo ni manang na magkayap diyan sa sofa umagang-umaga tapos mas nobya ka pang tao. Baka isipin ni manang na a-ano, na..." Biglang hindi ko alam kung ano ang susunod na sasabihin. Naglilikot ang mga mata ko, naghahanap ng tamang salita. "Na?" Aniya na may pilyong ngisi. "Na, a-ano..." "Deb, hija." Nahihiyang nilingon ko si manang nang tinawag ako nito, Mahina itong humalakhak at nagsalita "Kalma lang hindi naman ako nag-iisip ng masama. Medyo nagulat lang ako sa aking nabungaran." Paliwanag nito na ikinaginhawa ko naman. "See?" Sabat pa ni Arturo. "I just helped a kitten doze off to sleep. Nakatulog na din ako nang hindi namalayan." Tumayo ito at nilagay ang kamay sa batok. He flexed his shoulders making it more broad and wider on our sight but it was interrupted when manang spoke. "O, siya gigiya na rin ako sa kabisera at magluluto pa ako ng agahan," paalam ni manang. "S-sige po." Mahinang tinapik ni manang ang likod at ngumiti saka umalis. Nang tiningnan ko ulit si Arturo ay nakahiga na ulit ito sa sofa. Nasa lapag ang isang paa nito at ang isa naman ay nakapatong sa hand rest ng sofa, ang braso naman ay nakatabon sa mata. Lumapit ako dito at niyugyog ito. "Arturo, doon kana sa kuwarto mo matulog. Sasakit ang katawan mo diyan sa sofa. Hoy." Biglang inangat nito ang braso, tama lang na makita ang mata nito. "Why are so concerned, Beatris?" Hindi ko napigilan at pinaikutan ko ito ng mata. "Bahala ka diyan." "At wala akong nobya." I heard him murmur something but I didn't mind it that much. Tinalikuran ko nalang ito at pumunta ng kuwarto ko upang makapaghanda na para sa trabaho mamaya. Ngayon ang unang araw ko sa trabaho kaya kailangan maaga ako. First impression lasts, so I have to be punctual. I wore a black spaghetti strap a grey fitted blazer and a grey pencil cut skirt. I let my hair loose. It has its natural curls so I just let them be. Naglagay lang ako ng powder at lipbalm na nakita kong nakadisplay sa may vanity mirror. I dont know how to use make-up but I know basic grooming. I paired my outfit with a two inches heels. Ayokong magkanda sakit-sakit 'tong paa ko kapag nagsuot ako ng mga matataas pa na heels. And besides, I'm contented with my 5'5 height. Bumaba na ako for breakfast nang makita ko si Arturo na nakapikit ang mga mata na naglalakad. So...he has decided to wake up. Good for him. (Take note of the sarcasm). Kinukusot pa nito ang kaliwang mata habang umaakyat ng hagdan. Nilagpasan ako nito at dumiretso na ng kuwarto. Hindi katagalan ay pumasok si Arturo sa kusina. Biglang na-guilty ako nang makita ang hitsura nito. The eyebags under his eyes are visible. He woke up earlier this day, naputol ang tulog nito dahil sa'kin. "I'm still damn sleepy. Tsk. It's that cat's fault. That Tommy and Jerry." "It's Tom and Jerry, Arturo," ani ko habang patuloy na nginunguya ang karne na sinubo. "Tss, whatever that cat and mouse are called. I slept at 12 in the morning watching that damn kids show!" "No one forced you to watch." "It's still that damn cat's fault," pilit pa nito. I scoffed. " Hah, you're being irrational." Seriously? pinag-aawayan ba talaga namin ang panonood niya ng Tom and Jerry? Ibinaba ko ang ang tinidor at kutsilyo na hawak saka pinagsiklop ang mga kamay at matiim na tinignan ang lalaking nasa harap ko. I raised a brow. Matiim kaming naglalaban ng tinginan ng biglang may tumikhim. "O, mga bata, dalian niyo na riyan at baka mahuli na kayo sa trabaho. Mamaya niyo na pag-awayan iyang pusa at daga na iyan. Huwag sa hapag kainan at baka mawala ang grasya. Maryosep naman, oo." Pangaral ni manang sabag talikod. Pati si manang na-iistress na kay Arturo. Nauna na akong pumunta sa parking lot at doon naghintay kay Arturo na kasalukuyan pang inaayos ang kanyang necktie. I saw having a hard time fixing his tie so I walked towards him and fixed it for him. "Ang tagal-tagal mo nang business man pero hindi ka marunong mag-ayos ng isang simpleng neck tie. Akin na." Agad din naman nitong inabot sa akin ang dulo ng tie. "I never wore neck ties, not until now. I sucked at fixing them." "Bakit ka nagsuot ngayon kung hindi mo naman pala kayang ayusin?" "I..." He paused so I looked at him. He gulped making his adams apple move up and down. Agad ko ring binalik ang pansin sa necktie nito. "I need to look good today," pagpapatuloy pa niya. Natapos ko na ang pag-aayos nito. I stepped back at iniangat ulit ang tingin kay Arturo. "Bakit? Ano bang kaibahan ngayon kaysa noon at bakit ka nagsuot ng neck tie?" "Tss. you're too nosy, Beatris." "Ganda ng pasalamat mo, ha? You're very much welcom, Arturo." I replied in a sarcastic tone and gave him a fake smile. Hindi na ito nagsalita pa at pinatunog nalang nito ang kotse at pumasok. Sumunod na ako at baka sobrang bad trip na nitong kasama ko at iwan ako. Mabilis kaming nakarating sa kompanya ng mga Del Marcial. It's big and luxurious from the outside at lalo naman sa loob! The security guard greeted us, so as the front desk employees at ang mga nakakasalubong namin na empleyado. Bigla akong kinabahan opposite from the man beside me. Arturo looks so calm and he's authoritatively owning the way. I forgot he is the grandson of the C.E.O and he is the acting C.O.O of this company. Pumasok kami sa isang private elevator at nakarating sa floor ng opisina nito. Patuloy kaming naglakad sa tahimik na pasilyo. Busy ang karamihan sa mga empleyado at nagtitipa sa kanilang mga computers. May ibang bumati sa amin at bumalik din sa trabaho. When we entered his office I was awed by its design. It has a glass wall that shows the view of the city and the skyscrapers. The room is filled with dull colors--gray walls, black and brown stuff. Arturo's manly scent spread around his office. A plant is placed on one corner of his office. Iginiya nito sa akin ang visitors chair kaya umupo ako dito at siya naman ay sa kanyang swivel chair. A black name plate with his name that was crafted with golden calligraphy was displayed in front of his table. Thaddeus Arthur V. Del Marcial C.O.O May mga picture frames din na nakadisplay sa desk niya I saw a picture of him with his family, at may malaking litrato din si Arturo na nakasabit sa dingding nasa taas ng swivel chair. Nang biglang may nahagip ng tingin ko... May litrato ng isang babae na nakangiti habang nasa likod nito si Arturo na nakayakap dito habang nakapatong ang kaniyang panga sa balikat nung babae. The girl is familiar... niliitan ko ang mga mata ko para mas makita ang mukha ng babae sa litrato ng bigla itong itinaob ni Arturo kaya naman napabaling ang tingin ko dito. Nakita ko ang seryosong ekspresiyon nito kaya naman napaupo ako ng tuwid at tumikhim. "Before you start, I'll discuss to you first what your job will be." Tumango lang ako dito bilang tugon. "Instead of being an apprentice you're going to be my assistant. In that way, you'll be observing a larger scope about the company's flow than an apprentice does. You will be coming with me on my meetings and write some notes down. You'll also prepare my schedule and you are expected to follow my commands. Gather the reports from different departments, filter the calls before handling the callers to me, prepare the folders that I needed to sign or send some important mails when I'm gone. You will greet the visitors and asking them if they have a scheduled meeting with me. You also need to make me some coffee." Wow... Did he even tried to breathe? Dire-diretso niyang sinabi lahat, eh. "Uhm, yeah. I know the basics." "Business world is more complicated than you thought so, Beatris." Bumuntong hininga ako. "I know. I have a bigger responsibility now, and I'm scared to fail..." Humin ang boses ko sa huling katagang sinabi. "Papá will be dissapointed at me for sure." Natatakot ako na baka hindi ko magampanan ng maayos tong trabaho ko. I studied about business and I already ran a ranch but that was a ranch, for goodness sake! Not a big a and famous company. I trust my skills, but I'm afraid to fail. "You'll do good, Beatris." Itinaas ko naman ang paningin ko dito. I gave him a small smile. 'I hope so, Arturo. I hope so...' Sabay kaming napalingon ni Arturo sa pinto nang biglang may pumasok dito. "Good morning, Theo!" Isang matinis na tinig ang nagsalita. Bumungad sa amin si Cathy na may abot hanggang tengang ngiti. Walang pasabi itong lumapit kay Arturo at humalik sa pisngi bago yumakap. "Cathy... What are you doing here?" Sorpresang wika ng lalaki dito. "Visiting you," Cathy replied sweetly. Ngumiti si Cathy dito bago ibinaling ang tingin sa akin. Her eyes widened upon seeing me. "Oh my, G! You're Therese right?" "Deborah Beatris Turizo. Just call me Deborah." Pagtatama ko dito. "Oh! my bad. I'm sorry." She gave me a fake smile and rolled her eyes after. What's... her problem? I don't get her. Napatigil kami sandali ng marinig ang pagtunog ng telepono. Sinagot ito ni Arturo. "Yes? Okay, I'll be there in a minute." Ibinaba niya ito at tiningnan kami ni Cathy. "Excuse me, ladies I have to go to the meeting room for a moment. I'll be back. Stay here, Beatris we're not yet done talking." I nodded. "I'll also be here waiting for you, Theo." Matamis pa nitong binigyan ng ngiti si Arturo na napawi ng nakalabas ito ng opisina. Umupo ito sa swivel chair na kinauupuan ni Arturo kanina, pinagkrus pa nito ang nga hita na lantad dahil sa kasuotan nitong kinulang ata sa tela. She roamed her eyes around Arturo's office and layed her sight on the picture frame na tinaob ni Arturo kanina. Sandali niya itong pinagmasdan at ngumisi. A while later she looked at me and raised her penciled brow. "Anyways, I haven't introduced myself properly on our first meeting, Deborah. I'm Catherine Walters-" At saka niya inabot sa akin ang litrato na tinitingnan niya kanina. That's why the girl in this frame is familiar... "-Theo's girlfriend." It's Catherine...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD