#TGP ___ "Buhay siya hindi ba?" Hindi siya makapagsalita ng tanungin ko siya. Doon na lamang ako napangiti. Buhay nga kapatid ko. "H-Hindi ko sasabihin---" Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng agad ko siyang sinakal sa leeg. Nanlaki ang mata niya na tila hindi niya inaasahan 'yun. "Inuulit ko.. Nasaan ang katawan ni Fil?" Madiing tanong ko. Agad ako inawat ni Tito Norman ngunit agad ako pumalag. "Wag ka mangialam dito." Lingon ko sa tiyohin ni Sheraal. Para akong sinasaniban ng kademonyohan habang pinipigilan ko ang sarili ko sa lalakeng nasa harap ko. "T-Tama n-na... Di k-ko sasabihin!" Mas lalo ko siya sinakal dahil sa sinabi niya. Mas lalo siya napaubo at namumutla. "F-Felipe..." Tawag ni Tito Norman ngunit hindi ko siya pinansin. Nakatuon ang atensyon ko sa lalakeng kahar

