#TGP _______ Wala sa tabi ko si Fil nang magising ako kinabukasan. Bumangon ako at umunat unat muna. Habang ginagawa ko iyon ay nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto. "Ano 'yun?" Tanong ko nang buksan ko ang pintuan. Bumungad sa akin ang mukha ng mayordoma namin. "Ma'am, Dumating na po ang mommy niyo." Aniya dahilan para matameme ako. "Ha?" Bumakas ang takot sa mukha ng mayordoma namin at hinila ako papasok sa kwarto at bago ito nilock ay sumilip pa ito sa labas at sinarado. "Ma'am! May pinatay nanaman po ang mga magulang niyo!" Bulong niyang sigaw sa akin. Nanliit ang mata ko sa sinabi niya. "A-Anong sinasabi mo?" Napahilot ito sa sintinido niya habang nagsisimula na ito mataranta. "Hindi niyo naiintindihan Ma'am Sheraal!" Humarap ito sa akin at hinawakan sa magkabila

