#TGP _________ Nanatili akong nasa opisina ni Mommy habang nanatiling wala sa sarili. Inikot ko muli ang swivel chair dahilan para makita ko ang dalawang litrato sa aking likod. Pinagmamasdan ko ang mga ito habang napapaisip. Wala akong naalala na kinuhunan ako ng litrato. Ang totoo n'yan ngayon lang ako nakapasok sa opisina ng nanay ko. Simula ng mamatay ang magulang ko pagkatapos namin dumalaw dito ng mga ilang araw ay umuwi na kami at sa hindi ko inaasahan ay iyon na pala ang katapusan ng mga magulang ko. Tinitigan ko ang sarili ko sa napakalaking litrato. Maldita at seryosong nakatitig sa akin. Nakapulang dress ito habang walang emosyon na nakatingin sa akin. Maarte ba ako ng mga bata pa ako? Lumipat ang mga mata ko sa larawan ng nanay ko. Kung ang mukha ko ay blanko at maldita.

