#TGP _______ Naibaba ko ang papel at napatingala sa taas. Kung sakaling pupunta ako doon, makikita ko ba si Fil? Alam ba ni Maria kung ano ba talaga totoong nakaraan ko? "Sheraal! Lumabas ka! Once I see you, you'll never get escape again from me!" Napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang boses ni Ked. Nakagat ko ang labi ko at napatingin sa siko ko. Namamaga ito. Sa lahat ng pagkakataon, bakit ngayon ko lang naisip na hanapin at tuklasan ang totoong nakaraan ko? Bakit ngayon ko lang naisip na kailangan ko malaman ang totoong nangyare sa nakaraan ko. B-Bakit kung saan marami pang mamatay. Lumabo ang paningin ko sa nagbabadyang luha. Si Fil, hindi siya kasali sa pangkukulam sa akin ni Lola Cora. Sadyang nagparamdam siya sa akin dahil mahal niya ako. Bumalik siya sa akin dahil matagal

