" I now pronounce you husband and wife, you may now kiss your bride,"
Napuno naman ng palakpakan at hiyawan ang buong simbahan matapos ang sinabi ng pari sa aming harapan.
Pasimple akong napatingin sa mga taong naririto at lahat sila ay nakangiti. Nag thumbs-up naman sa akin ang ina ni Calix. habang sa tabi nito ay ang lolo at lola ni Calix na hindi rin naitago ang sobrang saya dahil sa wakas ay lumagay din sa tahimik ang kanilang apo.
"Fucos on me, wife," Napabaling ako sa aking harapan ng magsalita ito.
Napakagat labi ako. Nang hapitin niya ako sa aking baywang ay hindi na ako tumanggi dahil wala na atrasan 'to. kasal na kami.
Hinintay ko na lamang ang tuluyang paglapat ng kanyang labi sa mga labi ko. And then.... Napapikit ako nang madama ang labi niya sa akin.
It was a smack kiss. yet my first kiss!
" Now, your mine."
Bulong niya sa pagitan ng paghalik sa akin. Hindi iyon gaanong napapansin dahil sobrang hina.
Hindi naman ako nakasagot ay hinayaan na lamang siya. Siguro.ay masasanay rin ako sa mga susunod na araw.
Pagkatapos ng kasal ay sa isang sikat na hotel kami dumeritso kung saan gaganapin ang reception ng aming kasal.
Buong magdamag yata siyang nakangiti ng peke dahil sa kaba.
Iba't-ibang tao ang lumalapit sa kanila para magpa picture na malugod naman nilang pinagbibigyan.
Madaling araw ng matapos ang kasiyahan nagpaalam na sila sa mga bisita dahil medyo masakit na ang kanyang mga paa dahil sa suot niyang higi heels. idagdag pa ang napakabigat niyang gown.
" Welcome to our family, hija." turan ng mommy ni Calix. napangiti ako dahil mabait ito.
" T-Thank you, po. ma'am-"
" Call me mommy Celestine," ngumiti siya sa akin.
" Okay, po, m-mommy," nahihiya kong sabi.
" Perfect!" tuwang-tuwang sabi nito pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit. namiss ko tuloy ang si Mommy.
Kung sana nakita nitong kinasal siya, pero hindi rin naman totoo ito. kaya mabuti na rin na wala ito para saksihan.
At baka hindi pa nga ang mga ito dumalo lalo na si Daddy Rock.
" Aalis na kami, mom, lolo,"
baling naman ni Calix sa kanila. tumango lang sa kanya ang mga ito.
" Good job, apo," sabi ng lolo ni Calix, tumingin ito sa sakin at ngumiti. nahihiya pa rin ako sa kanya. mukha kasi siyang strikto.
" Thanks, Lo, " niyakap siya ni Calix at may bumulong ito sa apo na kinatawa naman ni Calix.
.
Nang tuluyan kaming makalabas ng hotel ay isang magarang kotse ang nag aabang na saamin at kaagad naman kaming pinagbuksan ng isang uniformadong lalaki hanggang sa makasakay kami. Dahil sa antok, dala ng pagod ay nakaidlip ako. Hindi ko namalayan na nakarating napala kami sa bahay ni Calix.
maging ang pagbuhat nito sa akin at pagdala sa kwarto ay hindi ko na alam.
****
Week later:
"Are you okay?" Tanong ni Calix ng ihatid niya ako sa magiging silid ko dito sa bahay niya.
" O-Opo, sir, medyo kinakabahan lang ako paano kapag dumating po dito i-iyong mommy niyo?"
Saglit itong natigilan at tila nag isip. Kapagkua'y ngumiti din. Napatitig na naman siya sa guwapo at maamong mukha ng kanyang boss. Nakakapaglambot ng kanyang tuhod ang mga titig nito.
Sa tuwina'y malimit siyang matutulala kapag nasa harap niya ito. Mayroon itong taglay na kaguwapuhan na hindi pa niya nakikita sa ibang lalaki.
Mala-abo ang kulay ng mga mata nito. Makapal ang mga kilay na laging magkasalubong kapag tumitingin sa kanya, iyon bang para itong badtrip palagi sa kanya. Ngayon na ngalang ito ngumiti sa kanya, kung ngiti nga ba iyon o ngisi. Para kasing one side lang ng labi nito ang umaangat kapag ngumingiti. It's more like he's smirking.
Wala itong gaanong balbas pero alam kong inahitan dahil medyo nakikita ko ang iilang maliliit na buhok sa gilid ng kanyang panga. Pakiramdam niya ay magaspang ang mga iyon kapag dumanti sa balat.
Sa tuwing nagsasalita naman ito ay lagi niyang nakikita ang adams apple nitong nakausli at kita niya rin kung paano iyon lumubog sa tuwing lulunok ito.
Tall, dark and hadsome kung ilarawan niya ang lalaki.
Moreno kasi ang balat nito pero mas lalo yata iyon nakadagdag ng s*x appeal ni Calix para sa kanya.
Hindi na rin bago sa kanya na maraming naghahabol rito pero pinangako naman nito na mula ngayon na nasa iisang bubong na sila ay hindi na umano ito gagamit ng ibang babae. Medyo kinabahan siya doon pero hindi niya pinahalat. Hindi man kasi lantaran sabihin nito ay iyon naman ang dating sa kanya. Nariyan naman siya para sa pangangailangan nito sa physical na aspeto at lalo na sa s****l.
" Cassandra?"
Iyon naman ang tungkulin niya rito at kasama iyon sa contrata na pinirmahan niya.
" Cassy? Hey, what's wrong?"
Napakurap siya at nabalik sa realidad ang isip ng kinaway-kaway ni Calix ang mga palad sa tapat ng kanyang mukha.
" Ah, s-sorry, m-may naisip lang,"
Sagot niya rito.
" Tungkol ba kay mommy? You have nothing to worry about, I'll take care of it. isa pa every saturday lang iyon pumupunta rito para dalawin ako at para narin mag dala ng ulam na luto niya. "
Paliwanag ni Calix. Pero nag aalala pa rin ko. What if biglaan? Anong idadahilan ko bakit nasa ibang kwarto ako gayong mag asawa kami ng anak niya?
" Sige lang, kaya ko na siguro lusutan 'yan pag nagkataon," aniya. Pero sa loob loob niya hindi rin siya sigurado. Bahala na nga.
" Okay, I trust you." Sabi niya at nagulat nalang ako nang hapitin niya ako at basta nalang hinalikan!
Bago ko pa maipikit ang mga mata ay bumitaw na siya at nagpaalam.
" I'll gotta go, you'll be ok here. May mga bantay ako sa labas ng bahay natin kaya safe ka rito. You do all you want while I'm gone. But make sure before 7pm. May pagkain na dahil dito ako kakain at sabay tayo, a'right?"
Puro tango nalang ang ginaw ako dahil napakahaba ng sinabi niya.
" I wanna hear it," he said.
"Ang alin?" Naguguluhan kong tanong.
"Naiintindihan mo ba lahat ng sinabi ko?"
Ah, yun pala! Tsk.
"Yes. Ako na bahala. Sige na umalis kana," taboy ko na sa kanya.
Tumitig naman siya sa akin ng maypagdududa.
" Don't leave the house, understand?"
Aniya. Muntik na niya itong pandilatan.
" Oo na nga."
"Okay, bye, wife," sabi nito sabay talikod at lumabas ng silid niya.
Naiwan naman siyang tulala habang nakatingin sa nakapinid na pinto ng kanyang silid.
Naninibago lang siya sa ugaling pinapakita nito sa kanya.
Malayo ito sa kung paano siya sigaw-sigawan nito sa opisina noong secretary pa siya nito.
Napakalamig kung tratuhin siya ni Calix, pero mula ng ikasal sila -este pekeng kasal pala. Naging mabait na ito at minsan pa nga ay may lambing sa boses nito kapag kausap siya. Tsk.
Narito na ito kaya gagawin na lang niya ang trabaho niya sa loob ng anim na buwan katulad ng kasunduan nila.
***
Cassy:
Maghapon akong nasa loob lang ng aking silid dahil wala naman akong balak kumilos pakiramdam ko tinatamad ako. Pero dahil kailangan ko magluto ng hapunan ay napilitan akong bumaba sa first floor.
Nasa second floor ang silid ko malapit sa may hagdan sa kaliwang bahagi. Ang master's bedroom kung saan ukupado ng may ari, ni Calix siyempre. Nasa taas iyon at nasa ika-tatlong palapag ng bahay.
Isang linggo na mula ng ikasal kami. Bagaman peke iyon ay sa mata ng mga nakasaksi ay totoong mag asawa kami.
Hindi kami umalis para sa honeymoon, Dito na kami sa bahay ni Calix dumiritso pagkagaling ng kasal.
Mabuti na lang at hindi pa naman pumupunta rito ang kanyang mommy kundi baka mabuko kami agad.
Wala rin naman sa plano ko ang makipag honeymoon sa yelong iyon, no?
Bakit nga ba kami nauwi sa ganito?
Galing akong probinsya, sa Leyte. Lumuwas ako rito sa maynila para maghanap ng trabaho. Kaka-graduate ko lang sa koleheyo, Business management ang kurso ko dahil iyon ang gusto ng daddy ko nang sa ganoon matutunan ko raw magpatakbo ng isang kompanya.
Marami akong pinagapplyan pero iilan lang ang tumawag sa akin, isa na nga doon ang kompanya ni Calix- ang Hidalgroup of companies.
Natanggap ako bilang isang Secretary at mismong CEO ang boss ko.
Tuwang-tuwa ako noon dahil may trabaho na ako, Nilihim ko sa pamilya ko ang totoong trabaho ko. Gusto kong patunayan kila daddy na kaya kung tumayo sa sarili kong mga paa na hindi ako umaasa sa yaman o negosyo namin kagaya ng laging pinamumukha ng kapatid sa kanya. Na wala siyang mararating, patutunayan niya sa mga ito na mali. Na kaya niya at babalik siya ng Leyte na may napatunayan sa sarili niya.
Pero ito ang nangyari. Nakipagkasundo ako sa boss ko para sa malaking halaga kapalit ng pagpapanggap ko bilang pekeng asawa niya.
Ayaw ko sana tanggapin nung una pero nakiusap si Calix na kailangan niya ng tulong ko. Balak kasi siyang ipakasal ng lolo niya sa anak ng kasosyo nito na hindi pa naman niya nakikilala. Takot ito sa commitment kaya lahat gagawin para lang hindi maikasal sa babaeng pinagkasundo sa kanya.
Nang alukin siya nito kapalit ng malaking pera, tinanggap na niya. Malaking tulong din iyon sa akin upang makapag patayo ng sariling negosyo kung saan magagamit ko ang kursong tinapos ko.
Ipinakilala siya nito sa pamilya nito at kita niya ang gulat na lumarawan sa mga ito. Pero kalauna'y malugod pa siyang tinanggap!
Botong-boto sa kanya ang mommy nito at maging ang mga lolo at lola niya ay tuwang-tuwa rin. Kaagad na nga nitong tinawagan ang kasosyo at kinasela na ang kasunduan dahil kuno may girlfriend na ang apo!
Sa loob ng isang buwan ay inayos ang aming kasal at naganap nga ito nong nakaraang linggo lang. Ang hindi alam ng pamilya ni Calix na ibang mga pangalan ang gamit namin sa aming marriage certificate kung kaya walang bisa ang kasal na iyon.
Ang kasunduan pagkatapos ng anim na buwan ay mag file sila ng annulment at saka nito ibibigay ang pera sa kanya. Malaki din iyon nasa 20 million din!
Kaya bilang parti ng aming kasunduan ay nararapat lang na pagsilbihan ko rin siya bilang asawa.
Nakarating ako ng kusina at tumambad sa akin ang malawak na counter island na punong-puno ng mga kagamitan na moderno.
sa gitna niyon ay mas malaking vase na may bulaklak. napangiti ako ar kaagad nilapitan ang mga iyon at inamoy.
" Ang gaganda niyo naman!" pagkausap ko sa mga ito. hinaplos ko pa ang mga petals niyon ngunit kaagad din akong napabitiw ng matusok ako ng tinik ng rose.
" Aray,"
Kinagat ko ang daliring nasugatan at sinupsop ang dugo na lumabas rito.
Nagulat ako nang may biglang umagaw sa kamay ko mula sa bibig ko at huli na ng maramdaman ko ang mainit na labi ni Calix na ngayon ay sinisipsip na ang daliri kong nasugatan!
"S-Sir?"
" I told you not to do anything stupid. tingnan mo
nasugatan ka," matalim ang tingin niya sa akin matapos niyang bitawan ang mga kamay ko
kaagad ko naman itong binawi at dinala sa likod ko.
"Ano pong ginagawa niyo rito? a-akala ko po 7pm pa kayo?"
" Bakit? hindi na ba puwede umuwi ng maaga dito sa bahay ko?"
aniya sa akin habang masama pa rin ang timpla ng mukha.
bakit masungit na naman 'to? akala ko pa naman mabait na, tsk!
" Magbihis ka alis tayo," utos niya saka akmang tatalikuran ako nang pigilan ko siya sa kamay.
nilingon niya ako habang nakakunot ang noo. kaagad ko rin naman binitawan ang kanyang kamay dahil pakiramdam ko napaso ako!
" S-saan po tayo pupunta, sir?" Nahihiya kong tanong.
" We're going out, tonight," aniya.
" Just go and change your clothes. I'll wait in the car. hurry up," masungit pa rin niyang sagot.
Pagkatapos ay mabilis ng umalis ng kitchen.
napakagat labi na lamang ako dahil ro'n.
Napakasungit!