Pagkatapos nang pag-break down ko ay halos isang oras pa akong nag-stay lamang sa loob ng kwarto. Pinapakiramdaman lamang ang mga bagay na nagkokonekta sa amin ni Ace. Gusto ko na ulit bumalik doon para makita siya, mayakap at tingnan kung anong lagay niya. Lalo na ngayon na alam ko nang iisa sila ni Grant. Hindi ko na kailangan pang ma-guilty tungkol sa nararamdaman ko sa kanya. Alam kong magang-maga na ang mga mata ko sa sobrang pag-iyak. Kaya kahit punasan ko ng panyo ay hindi matatanggal ang ebidensyang umiyak ako nang husto. "Anong nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo?" nag-aalalang tanong ni Myles pagkakita sa akin. "Mamaya ko na lang ipapaliwanag sa iyo. Gusto ko munang libutin ang bahay," sabi ko. Tumango naman siya. Mabuti at hindi rin nagtanong pa si Tang Berting. Nan

