As I watch Ace happily with Tulips, my tears can't stop falling. My heart is like a shattered glass, broken into tiny pieces. The pain I feel is beyond excruciating. Ang sakit-sakit. Pero wala akong magagawa. Nandito lamang ako sa kung saang lupalop ng mundo at ang tanging magagawa lang ay panoorin sila. Para akong nanonood ng isang pelikula o teleserye pero hindi ko alam kung kailan ito matatapos. "Uy, nakakailang yakap ka na sa akin, ah? Miss mo talaga ako," tumatawang sabi ni Ace. "Yeah, I miss you so much," malambing na bulong ni Tulips at hinalikan siya sa pisngi. Bakas ang gulat sa mukha ni Ace at kalaunan ay napangiti. It hurts me more that he doesn't remember that I don't like to kiss him using the body of Tulips. Napapikit ako habang patuloy pa rin ang pagdausdos ng

