Thalia Isang buwan matapos ang engagement namin ni Matthew, natuloy na ang aming kasal. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko nga mga oras na yon. Akala ko talaga, hanggang tanaw na lang ako sa malayo kay Matthew, pero heto kami ngayon magkasama, at lalo pa naming palalalimin ang aming pagmamahalan. Nakwento na rin nila sa akin, ang lahat lahat ng nangyari, kung paano naging Escobar si Matthew. Pero sa ngayon, masaya din ako para kay mama at papa, dahil maaari ng magpakasal silang dalawa. Ipinawalang bisa ang kasal ni papa kay tita Lucilla, kaya maaari ng magsama si papa at mama. Akala ko hindi magiging madali ang pagpapawalang bisa ng kasal nila. Dahil mahal na mahal ni tita Lucilla si Papa. Pero ang nangyari, si Tita Lucilla pa ang nagpursige na mapawalang bisa ito. Mas

