Matthew Napabalik ako, sa pagbabalik tanaw ko ng, maramdaman ang pagtapik ni Ice sa akin. Hindi ko napansin ang paglapit niya sa akin. Masyado yatang napalalim ang iniisip ko. Tutulungan daw n'ya kasi ako sa surprise engagement party na gagawin ko, para sa amin ng mahal ko. "Hey, kuya, ano ng plano mo." Sambit niya habang nakaupo sa kaharap kong upuan, sabay ngisi. "At feel na feel mo ang pagtawag mo sa akin ng kuya ha. Tss.." "Tunay naman na kuya kita at gusto pala ng matanda nating tatay, na mapalitan ang apelyido mo, at isa pa, ipapalipat na rin naman nina tito Alfonso sa pagiging Mondragon ang mahal mo. Tapos lalabas na rin naman ang resulta ng annulment nila tita Lucilla at tito Alfonso kaya maaayos na ang lahat. Kaya may pagkakataon na ang matanda nating tatay na manligaw kay tit

