“HEY, how are you feeling?” malambing na tanong ni Levi sa kanya. Bahagyang dumilat si Luisa habang nakahiga pa rin sa kama. “Nahihilo pa rin ako. Saka ang bigat ng katawan ko,” sagot niya. Sinalat ni Levi ang noo niya. “Wala ka naman lagnat. Gusto mo magpa-check up na tayo?” Marahan siyang umiling. “Ayokong lumabas. Hindi ko talaga kayang tumayo,” tanggi niya. “Okay, mahiga ka lang muna diyan. I’ll just have to make a call,” sabi pa ni Levi. Agad bumaba ng kama ang kanyang asawa at dinampot ang phone sa ibabaw ng bedside table. “Hello, Ian. Ikaw na muna ang bahala diyan sa opisina, baka hindi ako makapasok ngayon. Masama ang pakiramdam ni Luisa eh, hindi ko maiwan mag-isa. Oo, sige, salamat. Keep me posted, okay? Thanks.” Sinundan ni Luisa ng tingin si Levi nang ibaba nito a

