Chapter 43

2037 Words

SA pagdating ni Marga sa buhay ng mag-amang Ernesto at Levi, isang taon na ang nakakalipas ay maraming nagbago sa mansion. Hindi gaya noon na malaya silang magtawanan at magbiruan, ngayon ay pinagbawalan ni Marga ang mga kasambahay na makipagkuwentuhan kapag oras ng trabaho. Kapag nahuhuli nito ang sino man ay pinapagalitan at pinapahiya nito, madalas ay sinasaktan nito ang mga kasambahay. Ilang kasambahay na rin ang umalis doon dahil hindi natagalan ang ugali nito. Ang ilan naman nagtangka na umalis ay naagapan ni Levi at pinakiusapan. Matapos ang away sa pagitan ni Levi at Marga dahil kay Luisa, naging mailap ang babae kay Levi. Magkasama ang mga ito sa loob pero bihira o halos hindi kausapin nito ang asawa ng ama, maging ang bunsong anak ni Marga na gaya ng ina ay matapobre at spoiled

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD