NAGTATAKA na sinundan ng tingin ni Luisa si Lydia, habang titig na titig ito sa kanya. “Huy! Ano ba at makatingin ka diyan sa akin?” natatawang tanong niya. “May iba kasi sa’yo.” “Ano naman?” Lumipad ang tingin nito sa kanyang mga mata. “In love ka!” Malakas siyang tumawa. “Paano mo naman nasabi?” Hinawakan siya sa baba ni Lydia at ginalaw galaw ang mukha niya. “Tignan mo nga ‘yang mukha na ‘yan! Jusko girl, blooming na blooming ka!” Natawa na naman si Luisa. Hindi siya makapagsalita, kahit na itanggi ang sinabi nito dahil totoo naman lahat iyon. She is madly in love with Levi. Head over heels. “Ano nga ulit ang pangalan n’ya?” “Levi. Levi Serrano.” Hindi nagsalita si Lydia. Bigla itong natahimik at parang napaisip ng malalim. “Serrano? Hmmm…” “Oo, bakit?” “Wala la

