“HAY salamat!” komento ni Nanay Elsa matapos mapanood ang pinakahuling weather report. Sinabi kasi doon na magiging maayos na ang panahon sa mga susunod na araw at gabi. “Hindi ko maintindihan kung bakit ngayon taon eh masyadong maulan. Ang hirap pa naman magcommute kapag naulan,” reklamo nito. “Ang sarap kaya ng maulan, malamig at hindi ka maglalagkit sa pawis,” kontra naman ni Tere. Hindi kumibo si Luisa habang kumakain ng tanghalian kasabay ng mag-ina. Hindi rin niya alam kung anong mararamdaman. It is just a rain. Dati naman ay wala siyang pakialam kung umulan man o hindi. And she used to hate it so much because of the nightmares she had. Pero lahat iyon ay nagbago mula nang ibigay sa kanya ng ulan si Levi. Mula ng araw na iyon ay nagkaroon na ng malaking papel ang ulan sa buha

