“HINDI ka ba nahuli pag-uwi mo?” tanong ni Levi sa kanya. Natatawa na umiling si Luisa. “Hindi naman sakto na paglabas ko ng banyo dumating si Nanay Elsa. Ang akala nila naligo ako dahil basa nga ako ng ulan.” “Kailangan mag-doble ingat tayo sa susunod, dapat bago lumiwanag nakauwi ka na.” Hindi maalala ni Luisa kung kailan siya naging ganito para sa isang lalaki. Hindi na niya lolokohin pa ang sarili. Alam niya sa puso at isip na hindi na lang kaibigan ang tingin niya kay Levi. It is more than that. It is more serious, something deeper, something special. Pinanood niya ito habang dinadagdagan ng mga piraso ng kahoy ang bonfire na nasa kanilang harapan. Naroon siya muli sa munting paraisong tinutuluyan nito. Sa harap ng bahay nito, habang pinapanood ang mala-krystal na tubig na n

