HABANG kumakain ay may nakabantay sa kanya na isang nurse na lalaki. Hindi masarap at walang lasa ang pagkain pero nagtiis si Luisa at pilit kumain. Tama si Ian at Tere, kailangan niyang mag-ipon ng lakas. Kaya naman kinalma na muna ni Luisa ang sarili, kahit na ang totoo ay kanina pa niya gustong kumaripas ng takbo palabas ng pinto na nasa kanyang harapan lang. “Bilisan mong kumain,” maangas na sabi sa kanya ng nurse. Pinukol niya ito ng masamang tingin ngunit pinigil ang sarili at hindi muna nagsalita. Nang matapos kumain ay saka siya tumayo, nang dumaan sa gilid nito. Luisa suddenly grabbed his nape and whispered. “Huwag mo akong subukan i-bully dito. Hindi ako gaya ng ibang pasyente mo na wala sa sarili at hindi kikibo kahit sigawan n’yo. Magkano ang binayad sa inyo ni Marga ha? P

