Hindi masabi sa kanila ni Juan Miguel ang kanyang totoong pagkatao alang-alang sa kanyang kaligtasan at sa mga taong kumupkop sa kanya. Natakot ito na baka maulit muli ang nangyari noon kapag nalaman ni Carlos Sebastian, na buhay pa siya. Baka madamay lang ang mga kinilala nitong magulang.
“Sigurado ka anak, na okay ka na?” Hinawakan siyang nanay Erma, niya sa noo.
“Wala ka naman lagnat.” Aniya nito. “Bakit namumutla ka anak?” Pag-aalala pa nitong wika.
“Si Nanay talaga oh,” sabay lapit sa ina at niyakap niya ito.
“Sus, nag lambing na naman ang binata ko.” Nakangiting wika nito sa anak at tinugunan niya rin ito ng yakap.
“Mahal na mahal ko po kayo ni Tatay. Siguro po kung hindi niyo ako inampon baka nasa kalsada parin ako nakatira. Baka rin po naging pariwara pa ang buhay ko dahil doon.” Mahabang lintiya nito sa Ina na bakas sa mukha ang lungkot na nararamdaman.
“Ano ba naman ‘yan anak, pinapaiyak mo ako eh.” Mangiyak-ngiyak nitong saad. “Kami nga ang swerte sayo ng Tatay mo eh.” Aniya sa anak na nakapulipot ang braso sa leeg nito. “Dahil meron kami napakabait na anak, at napakagwapo pa.” Sabay hawak nito sa buhok kaya nagulo ito. “Ikaw ang pinakamalaking biyaya na natanggap namin anak. Dahil sayo naranasan namin ang maging magulang.” Kasabay ang isang magandang ngiti sa anak.
“Nay diba po malapit na ang anniversary niyo ni tatay?” Paglalambing pa nito tanong sa ina. “Saan niyo balak pumunta?” Dag-dag pa nitong tanong sa ina habang nakayakap parin ito.
“Ay oo nga pala anak!” Gulat nitong sagot. Muntik ko nang makalimutan. Buti naalala mo.” Aniya ng ina na tila nakalimutan na ang anniversary nilang mag asawa.
“Nanay talaga oh!” Kuno’t noo nitong saad sa ina. “Diba taon -taon naman tayo nag si-celebrate ng anniversary niyo? Noong nakaraang taon pumunta tayo sa Maynila at namasyal, hindi po ba Nay? Tapos ngayon nakalimutan niyo agad,” may pag-tatampo nitong wika sa ina.
“Pasenya na anak, siguro tumatanda na ang nanay, kaya makakalimotin na.” Nakangiti nitong tugon sa anak.
Samantala, abala ang mga trabahador ng Sebastian, sa pagkarga ng mga mamahaling wine nang hindi sinasadyang mabasag ng isa sa trabahador ng Hacienda ang isang kahong imported na alak. Narinig ito ni Donya Teresa Sebastian, kaya't agad siyang nagtungo sa eksena na may ingay mula sa mga nabasag na bote. Agad niyang nakita kung sino ang may hawak ng kahon at sa ibaba nito ay ang mga sirang bote ng alak na nakakalat sa sahig
“Ano yan?” Bungad agad nito.” Ang tanga-tanga mo! Hindi mo ba alam kung magkanong halaga ang nabasag ‘mong matanda ka?” Galit na galit na duro niya sa matanda na si Mang kulas.
“Patawad po, Donya Teresa. Hindi ko po sinasadya.” Nakayukong wika nito sa Donya at kababakasan sa mukha nito ang takot sa Donya, habang nanlilisik pa ang mata sa galit.
“Akala mo ba madadala mo sa paghingi mo ng tawad ang pagka-basag ng alak na yan! Kahit isang taon ka mag trabaho hindi mo mababayaran yan! Peste ka!” Gali na galit nitong bulyaw.
“Patawad po talaga Donya Teresa hindi ko po talaga sinasadya.” Nanginginig na sagot nito sa Donya.
“Tumigil ka! Simula ngayon wala kang sasahurin sa loob ng anim na buwan!” Pasigaw pa nito saad sa matandang trabahador. “Magtatrabaho ng walang sweldo para mabayaran ‘yang nabasag mo!” Dag-dag pa nitong bulyaw.
“Hooo? Donya Teresa, wag naman po maawa kayo sa pamilya ko.” Pagmamakaawa nitong wika. “Ako lang po ang inaasahan ng Pamilya ko sa bahay. Nag-aaral pa po ang mga anak ko.” Dag-dag pa nitong saad sa Donya.
Ngunit walang man lang makitang bakas sa mata ni Donya Teresa, ang pagka-awa sa matandang kausap.
“Wala akong pakialam! Mamili ka? Ipapakulong kita o mag tatrabaho ka ng walang sweldo sa loob ng anim na buwan?” Madiing pagbabanta nito sa matandang, si Mang Kulas.
Walang nagawa ang matandang si Mang Kulas, kung hindi ang pumayag sa gustong mangyari ng amo.
“Grabi ang lupit talaga ni Donya Teresa,” bulong ng isang lalake habang pinagmamasdan sila.
“Kaya nga wala siyang puso, “ tugon din ng isa pang tauhan na nakatingin din sa deriksyon nila.
Nasaksihan ni Mang Pedro, ang lahat. Ang kinikilalng Tatay ni Juan Miguel ang nangyari bago ito umalis ng Hacienda El Jackson.
“Anong kaguluhan ito?” Galing sa isang boses na babae na paparating.
Sabay naman na napatingin si Donya Teresa at Mang Kulas sa pinangyarihan ng tinig ng isang babae.
“Malayo palang ako dinig na dinig kuna ang sigaw niyo Mommy!” At pinasadahan ng tingin si Mang Kulas habang nakayuko ito. “Bakit niyo sinisigawan si Mang kulas?” Bulyaw nito sa ina.
“Pano ‘tong tanga-tangang matanda, na’to binasag ang isang kahong imported na alak.
Tumingin ang babae sa matanda na nakayuko. Bakas ang takot nito sa mukha.
“Nasaktan ho ba kayo Mang kulas?” Nag-aalalang tanong nito sa matanda.
“Yan, diyan ka magaling! Kaya lumalaki ang ulo ng mga trabahador dito ay kinukunsinti mo! At ikaw pa talaga ang nag tanong kung okay lang siya!” Bulyaw ulit nitong wika sa anak na si Mika, kasabay ang mapait nitong halakhak. “Tayo ang nabasagan ng alak at hindi lang basta alak ‘yon! Dahil isa yan sa pinakamahal nating alak,” dag-dag pa nito.
Lalong na dagdagan ang galit nang Donya sa pag-kampi nang anak niyang si Mika, kay Mang Kulas.
“Kahit na, Mommy! Wala ka pa rin karapatan na tratuhin ng ganyan ang mga trabahador natin! Kung hindi dahil sa kanila wala tayong negosyo kaya wag kayong umasta na wala silang silbi!” Galit rin na sagot nito sa ina.
“Putcha! Bakit ba lagi kana lang nakikialam sa tuwing pinag-sasabihan ko ang mga trabahador natin? Bwesit, ka talaga kahit kailan,” kasabay ang pagtalikod habang panay parin ang salita.
“Pasenya na po kayo Mang kulas. Sumusubra na talaga si Mommy,” malungkot na wika nito sa matanda habang hawak niya ito sa balikat.
“Pasensya na din po Ma’am Mika. Kasalanan ko rin po kaya nagalit si Donya Teresa.” Nakayukong saad nito sa dalaga.
“Kahit na po Mang Kulas. Wala pa rin po siyang karapatan gawin ‘yon sainyo.” Kuno’t noong saad niya sa matanda.
“Nakapa-bait niyo po talaga, Ma’am. Nagpapasalamat po talaga ako sainyo.” Wika nito kay Mika.
“Sege, na po Mang Kulas. Ako na po bahala dito pumunta na po kayo sa kusina. Pakisabihan na rin po ang mga kasamahan niyo na pumunta sa kusina at kumain.” Bilin nito sa matanda.” May niluto po ako doon.” Nakangiti pa nitong pahabol sa matanda kasabay ang isang buntong hininga nito.
Kaya umalis na din ang matanda na kahit papano ay may ngiti sa labi dahil sa ginawang pagtanggol sa kanya ni Mika.
“Si Mika ang kaisa-isang anak ng mag asawang Carlos at Teresa Sebastian, ang taong pumatay sa totoong may-ari ng Hacienda El Jackson. Hindi gusto ni Mika ang pagtrato ng mga magulang niya sa mga trabahador nila sa Hacienda, lalo na pagdating sa Factory. Ginagawa niya ang lahat upang maibasan ang hirap na tinatamo ng mga trabahador sa kanyang mga magulang kahit na ito pa ang maging dahilan ng hindi nila pag kakasundo-sundo bilang Pamilya.
Nasaksihan lahat ni Mika ang ginawa ng mga magulang niya sa Pamilya Jackson. Mula no’on ay nagkaroon na siya ng galit sa mga magulang niya. Dahil lang sa pera nagawa ng Daddy, niya ang pumatay. Dahil ‘don labis ang galit at pag kadis-maya nito sa mga magulang. Pinangako nito sa sarili na hinding-hindi siya magiging katulad ng kanyang mga magulang.