Chapter 5

1067 Words
Ito ang unang araw ni Miguel sa trabaho kaya maaga itong nagising. Hinawakan nito ang kwentas na iniwan sa kanya ng tunay nitong mga magulang.       “Ito na ang simula, Mom. Dad! Makikita nila ang pagbabalik ng isang Jackson.” Anas nito at kinuha ang kanyang uniform sa pagka-pulis at isinuot saka mabilis na bumaba.       “O nandito na pala ang napakagwapo naming pulis,” bulalas ng ina nito habang naghahanda ng almusal nila.       “Ang pogi talaga ng anak sa suot niya mana saakin,” usal din ng ama nito habang nakaupo at hinihigop ang kape.        “Syempre po tay. Mana po ako sainyo,” pabirong anito niya sa ama at hinaplos ang basa nitong buhok sabay kindat sa ina na kanina pa titig na titig sa kanya at muli na naman namuo ang luha nito dahil sa saya para sa kinilalang anak. “Si nanay talaga oh,” at nilapit ang ina kasabay ang isang mahigpit na yakap at halik sa noo.         “Ehem...Tikhim ng kanyang ama. “Pwede ba akong sumali diyan sa yakapan ninyo.” Anito nito at tumayo.        “Oo naman po tay,” at ibinuka ang mahahabang bisig ni Miguel at niyakap niyang dalawa ang kinalakihang magulang.       Pagkapatapos ng madramang oras ng pamilya nila ay umalis na si Juan Miguel at tinungo na ang lugar kung saan siya madidistino. Huminga muna ito ng malalim bago ito tuluyang pumasok sa prisento at dumiritso sa opisina ng mataas na opisyal na namumuno sa prisento. Kumatok muna ito saka binuksan ang pinto at nagsaludo sa kaharap na lalaki. Nagpakilala agad ito kaya agad naman siyang sinaluduhan pabalik ni Heneral Antonio Carpio.       “Sumunod ka sakin Ramos at ipapakilala kita sa magiging ka grupo mo,” anito sa kanya ng heneral.       “Yes, Sir.” Sagot rin nito.        Ipinakilala na nga ni Heneral si Juan Miguel sa kanyang magiging kagrupo sa loob ng prisento at malugod naman itong tinanggap ng mga kasamahan nila. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ng may isang grupo rin sa loob ng prisento na masama ang tingin sa kanya.       “Boss, may bagong dating,” bulalas ng isang pulis sa kabilang grupo na si Lito Ortega.       “Imbistagahan niyo siya. Kailangan natin masiguro na satin siya papanig,” anas naman ng kinikilala nilang amo na si Jose Diaz isa rin sa may mataas na posisyon sa loob ng prisento na tauhan din ni Carlos Sebastian.        “Masusunod major.” Sagot naman ng grupo ni Major Diaz.         “Kailangan walang makakaalam na pinapasundan ko siya sainyo. Naiintindihan niyo ba?” mahinang bulyaw nito sa mga tapat nitong tauhan.        Sabay-sabay naman silang nagsitanguan sa kinikilalang amo.        Samantala bago nag-aplay si Juan Miguel sa prisento ng Poblacion El Jackson ay inalam niya na lahat kung sino-sino ang mga tapat na tauhan ni Carlos Sebastian. Palihim niyang minamanmanan ang lahat ng tao sa loob pati na ang mga namumuno rito. Kaya alam na agad nito kung sino ang pwede nitong pagkatiwalaan at sino ang mga tunay na kalaban. Kaya palihim niya rin tinatapunan ng tingin ang grupo ni Jose Diaz at Lito Ortega.        Samantala sa Hacienda El Jackson. Abalang-Abala si Donya Teresa sa pabrika dahil may delevery sila sa isang malaking bar sa maynila at lahat ng kinuha nilang alak ay lahat mamahalin. Tarantang-taranta ang mga tauhan nila dahil panay ang sigaw ni Donya Teresa sa mga tauhan. Ngunit sa kabila ng paninirmon ni Donya Teresa sa kanila ay isang balita ang gumulantang sa kanya na labis nitong ikinagalit.        “D-Donya Teresa, hindi na raw po itutuloy ni Mr. Kim ang pag delever natin ng alak sa kanila,” nauutal na anas ng secretary nito habang nakayuko.        Nanlaki bigla ang mata ni Donya Teresa sa narinig. Kasabay ang isang malakas na sigaw nito habang nanlilisik ang mata.       “Anu! Bakit niya inatras ang delevery?!” namimilog ang mata at salubong ang kilay nitong wika kasabay ang isang malakas na sampal sa secretary nito.       Napahawak naman sa kanyang pisge ang secretary habang napahikbi at nanginginig.        “Bakit mo hinayaang mangyari ‘yon? Ang tanga-tanga mo,” bulyaw pa nito sa secretary kaya hindi na napigil pa nito ang mapahagulhol ng iyak.        “P-patawarin niyo po ako Don-!” hindi na natapos nito ang sasabihin dahil itinulak ito ni Donya Teresa dahilan upang mapaupo ito sa sahig.       “Wala kang silbi! Lumayas ka dito! Layas!” sigaw nito at pinagtatapon sa kanya ang mga kahon ng alak na nasa pabrika.        Walang nagawa ang secretary kung hindi ang umiyak na lang. Awang-awa din sa kanya ang mga kasamahan nito sa pabrika. Ngunit walang may lakas ng loob ang tumulong sa kanya dahil sa takot nila kay Donya Teresa.         Papunta rin ng pabrika ng mga oras na ‘yon si Mika para magdala ng meryenda sa kanilang mga tauhan ng makita kung paano itulak ng kanyang ina ang secretary nito at pagbabatuhin ng kahon ng alak kaya dali-dali itong tumakbo para pigilan ang ina.        “Mom, stop. Anu ba!” aniya nito habang nakubli sa kanilang dalawa ang kanyang braso upang hindi sila pareho masaktan sa ginagawa ni Donya Teresa.        “Umalis ka diyan, Mika?!” Bulyaw ng ina nito habang patuloy pa rin sa pagbato sa kanila.        Tumayo si Mika at hinawakan ang kamay ng kanyang ina.        “I said, stop it Mom. Anu ba!” pigil nito sa ina kaya natauhan ang ina nito. “Ano bang nangyayari? Bakit kailangan umabot dito Mom?!” Bulyaw nito sa ina kaya napatingin ito sa kanya.       Nanginginig ang kamay nito sa galit at nanlilisik na rin ang mata. Kaya hindi rin napigilan ni Mika na hindi makaramdam ng kaba sa ina.         “Ilayo mo sakin ‘yang babae na yan! Papatayin ko yan,” madiing sigaw nito at dinuro-duro ang kanyang secretary habang nakaupo pa rin sa sahig at nakahikbi.         “Bakit ba kasi mom? Anu ba talaga ang nangyari at ganon na lang ang galit niyo kay Lala?” tanong nito sa ina na kahit siya ay kinakabahan sa nakitang reaksyon sa mukha  nito.        Napasapo sa kanyang ulo si Donya Teresa bago ito nagsalita.        “Panu ‘yang babaeng yan hinayaan niyang hindi matuloy ang napakalaking delevery natin kay Mr. Kim ngayon. Hindi naman yan ginagawa satin ni Mr. Kim.” Wika nito habang pahangos-hangos pa dahil sa subrang galit nito.        “Mom, marami pa nama tayong ibang kleyente diy-. Hindi na natapos ni Mika ang sasabihin niya dahil isang malutong na sampal ang pinakawalan ni Donya Teresa sa kanya. Hindi ito nakapagsalita at napasapo na lang ito sa nananakit nitong pisge.        “Anong kleyente ang pinagsasabi mo Mika?! Tatlo na lang sila! Hindi ko alam kung bakit sila nag sisilipatan ng Companya.” Sigaw pa nito sa harap ni Mika. Kaya hindi pa ito nakapagsalita at namilog na lang ang mata nito sa gulat sa ina.       Walang nagawa si Mika kung hindi ang hilahin ang kamay ng secretary at tumakbo palabas upang makalayo sa naghuhuromintado nitong ina.                 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD