Nanlulumong napaupo na lamang si Yolanda sa gater kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan nang makita ang papalapit na si Miguel kasama ang babaeng pinaglihi sa buhok, si Fammy. Ngiting-ngiti ang dalawa habang nagbubulungan. Kaasar, ang lalandi! “Krung, okay ka lang?” Hindi! Kanina pa ko rito at ngayon ka lang dumating! Nagsama ka pa talaga ng babaeng makapal ang buhok. Sabagay, bagay kayong dalawa, parehas mabuhok! Tse! Pisti! Pisti! Pagmamaktol nya sa isip. Ngunit imbes na isatinig iyon ay ngumiti na lamang sya nang pilit sa dalawa. “Okay lang ako. He he.” “Migs, okay lang naman pala 'tong kaibigan mo eh, sana inubos muna natin yung mga food dun sa office mo,” maarteng sabi ni Fammy kay Miguel. At ang babaita, kinikili-kiliti pa ang mahabang patilya ni Kapre! T

