Napapaisip si Miguel nang ilahad sa kanya ng nobya ang nakita nito... “Nasa mall kami ni Kring, nagkakape sa Starbucks --” “Magkakape lang, doon pa. Mahal don ah!” putol nya sa pagkwe-kwento ni Yolanda. Sobrang seryoso kasi ng mukha nito at halatang may tampo sa kanya dahil sa inasal ni Fammy. Ni ayaw lumipat ng pwesto ni Yolanda sa kanyang tabi. Nasa sulok lang ito ng bahagi ng kama, habang tinitiklop ang mga lumang damit ng yumao nyang asawa. “Wag ka ngang magulo! Di ko na itutuloy ang nakita ko, sige!” banta nito habang nagkakandatulis ang nguso. Natawa si Miguel. Tumabi sya rito at hinawi ang mga damit. Gigil na isinandal nya ito sa headrest ng kama at pinupog ng halik sa leeg. “Kagigil ang amoy mo…” usal nya sa leeg nito. “Itutuloy ko pa ba ang kwento?”

