(Saskia) Ang tindi ng kaba na aking nadarama, ramdam ko ang pangingining ng aking kamay, hawak ko ang isang ballpen para permahan ang isang kontrata. Isang kontrata na magkukulong sa akin sa piling ni Savino habang buhay. Isang kontrata na magpapatunay na isa na akong Montreal, hindi dahil sa tuluyan na akong naampon ng mga magulang ni Savino kundi dahil ikinasal ako sa kanya. Kailanman, hindi ko ini- expect na maging ganito ang kasal ko, yong tila napipilitan lang ang magiging asawa ko na pakasalan ako. Nakangiti man sya ngayon pero alam kong hindi tunay na masaya si Savino. Gusto ko man magalit kay Savino dahil sa ginawa nya pero mas pinili ko ang magpatawad. Nangyari na ang lahat at hindi na maibabalik pa. Pinakasalan naman nya ako. Pinanagutan naman nya ang ginagawa nya sa akin. Kahi

