---Dare to Surrender--- - Brielle's POV "Pasensya ka na Brielle sa inasta ng kapatid mo. Ganyan naman talaga si Yohan, kahit noon pa. Hayaan mo kakausapin ko sya." si dad, sa mahinang boses. Nasa may beranda ako. Nakatingin sa mga bituin habang malalim ang iniisip. Nakuha ni dad ang atensyon ko nang lumapit sya sa akin. "It's okay dad! Nasanay na rin naman ako." pinilit kong ngumiti sa ama ko, para ipakita dito na hindi ako masyadong naapektuhan sa nakikita kong galit kay Yohan kanina. "Pasensya kana talaga, anak! Napagpasyahan na namin ng mommy mo na sabihin kina Yohan at Yoona ang tungkol sa tunay mong pagkatao. Na totoo ka nilang kapatid sa ama. Tamang pagkakataon lang ang hinihintay namin." "Naintindihan ko naman kung hindi pa kayo handa, dad! Wala din naman problema sa akin ku

