Saskia's POV Ilang araw na ba? Ilang araw na ba akong ganito? Ilang araw narin akong nakakulong dito sa loob ng condo unit ni Savino. Nababagot na ako at kung ano't- ano na ang pumapasok sa isip ko. Halos hindi na ako makahinga sa lugar na ito. Mas lalo akong hindi makahinga dahil sa malamig na pakikitungo ni Savino sa akin. Hindi ko alam kung nagpatuloy parin ba ang relasyon nila ni Charlotte. Wala akong lakas na loob para itanong ito sa kanya. Tulad ng mga nangyayari sa nakalipas na araw, para na naman akong walang buhay na nakaupo sa sofa. Nakatingin sa kawalan at parang mabaliw sa kakaisip kung bakit naging ganito ang buhay ko. Wala ba talagang hanggang ang pasakit sa akin. Kapalit ba ng mga mamahalin damit na isinuot ko ngayon, mga masasarap na pagkain na kinakain ko ay ang mamuh

