---The Forgotten Wife---- - Desiree's POV Hanggang ngayon ramdam ko parin ang panginginig ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko ang lalaking nakasabay ko sa elevator. Alam kong mali ang ginawa ko dahil bigla nalang ako nanampal, wala naman ginawang masama sa akin yong tao, hindi pa naman ako sigurado kung hahalikan nga ba talaga ako ng lalaking yon nang unting- unti nyang inilapit ang labi nya sa labi ko. Talagang nabigla lang ako sa ginawa ng lalaking yon, kailanman hindi ko pa naranasan ang maging ganun kalapit sa kahit sinong lalaki, kahit na kay Jeric bilang kaibigan ko naman ito. Sobra akong kinakabahan, natakot ako at dahil sa takot ko nasampal ko ang lalaking kasabay ko kanina. Halatang nagalit ang lalaki sa ginawa ko, mabuti nalang at bumukas na ang elevator, kaya

