Saskia's POV Ang plano kong pag- alis ay hindi natuloy nang biglang dumating ang mga magulang ni Savino. At niyaya akong lumabas ng mga ito. Sa pagkakaalam ko, nasa ibang bansa si mommy Sheila para samahan si Amari hanggang sa manganak ito. Pero, umuwi pala sya sandali dito sa Pilipinas. May inayos sya sandali sa mga negosyo nya. "Kumusta na ija? Hindi ba sumasakit ang ulo mo dahil sa anak namin.?" nakangiting tanong sa akin ni daddy Samuel. Nasa isang restaurant kami. Alam ko narin naman kahit papaano kung paano maging sosyal at kumain sa mga ganitong restaurant, dahil sa madalas kaming kumakain sa mga ganito nung ipapasyal nila kaming dalawa ni Amari. At personal din may nagtuturo sa amin ni Amari. Sa isipin ito, mas lalo kong naramdaman ang kahungkagan sa puso ko dahil sobrang lay

