Saskia's POV Ang malamig na simoy ng hangin ang bumungad sa akin paglabas ko mula sa bungalow house dito sa pribadong beach resort na pagmamay- ari daw ng kaibigan ni Nicollo. Mahigit na sa isang linggo na nandito ako. Nung umalis ako sa condo unit ni Savino, si Nicollo ang pinuntahan ko at nilapitan. Ang gusto ko lang ay ang makalayo at magkaroon ng panahon para makapag- isip ng maayos. Natatakot ako na matunton agad ni Savino kaya kinapalan ko na ang mukha ko at lumapit ako kay Nicollo. Bumaba ako sa ilang baitang ng hagdanan na gawa sa mamahalin kahoy. Hindi ako nagsusuot ng kahit anong sapin sa paa ko. Masarap sa pakiramdam pag nakatapak ang paa ko sa pinong- pino mapuputing buhangin. Humakbang pa ako palapit sa dagat. Kay gandang pagmasdan ng malinaw at kulay asul na tubig pag n

