Saskia Monica's POV Hindi ako makapaniwala sa nangyari sa kasal ni Kuya Santie, bigla nalang nag- back- out ang bride nya. Nagkaroon ng kaguluhan at agad din naman umalis si Kuya Santie nang walang anong sinasabi. Gusto ko sanang damayan muna si Kuya Santie pero kailangan na namin umalis ni Savino. Sabi ni Kuya Saven sa akin, kailangan ko daw munang dalhin si Savino sa isang lugar kung saan makapagpahinga sya ng mabuti. Yong tahimik at may preskong hangin. Bago sya mag undergo sa chemotherapy nya. Sa tingin ko, hindi pa tapos ang paghihiganti ko pero pagkatapos ng mga nangyari, ang muntikan nang pagkawala ng ipinagbubuntis ko, ang muntikan ng pagka- disgrasya ko dahil sa may gustong pumatay sa akin, bigla akong napatanong sa sarili ko kung mas mahalaga pa ba ang makaganti ako? Biglang s

