Saskia Monica's POV "Galing sa isang private party noon sina Rexon, James, Jacob at ang asawa mo na si Savino sa araw na yon. Parehong lasing silang apat. Isang kotse lang ang dala ng magkakaibigan at yon ay ang kotse ni Savino. Ayon sa mga nahagip ng mga CCTV na mabuti at nakakuha pa ako ng kopya, kahit walong taon na ang nakakalipas, binabaybay ng kotse ang daan pabalik sa San Martin, mabilis ang takbo ng kotse. Dumaan pa ang kotseng ito sa isang gasoline station, malapit kung saan nasagasaan si Amari at minuto lang ang agwat ng oras na nasagasaan si Amari. Pagkatapos nitong magpagasolina, mabilis na naman pinatakbo ang kotse. Halata talaga na parang wala sa sarili ang nagmamaneho. Tinted ang kotse, pero ayon sa isang dating gasoline boy, hindi nya malilimutan si Rexon dahil binigyan pa

