Kinabukasan, maagang nagising si Mabel para manguha ng mga tuyong kahoy sa dalampasigan. Iyon ang daily routine niya sa bawat araw. Iyon din ang paraan niya para manumbalik ang memorya niya sa lugar na iyon pero kahit anong pilit niyang pagbalik-balik sa dalampasigan ay wala siyang maalala na nandoon siya noon, wala siyang maaalala na taga-Samal siya. "Ah, ano ba kasing nangyari noon...haysss, nakakainis." Sabi pa niya sa sarili habang hawak ang mga kahoy na napulot niya. Ilang sandali pa ay may nakita siyang bata, umiiyak ito sa may bakawan, tila nawawala ito. "Hala, bata...anong ginagawa mo dyan?" nilapitan niya ito. Halatang natakot ito nang makita siya. "Shh, hwag ka nang umiyak. Hindi naman ako masamang tao e. Tahan na." Sabi pa niya rito. "Diyan ka lang po." Sabi ng batang pasli

