Kabanata 79

1924 Words

Nasa pier na sina Mabel sa oras na iyon. Kasama niya ang batang si Connor. "Ayaw ko na po sa resort, ate ganda. Hindi po ako mahal ni Daddy, busy din po si Mommy. Hindi nila ako mahal, palaging mga yaya ko lang ang kasama ko doon." Naiiyak na sumbong ni Connor kay Mabel. "Kawawa ka naman...pero dapat ay ibalik na kita doon." "Please, ate ganda. Huwag mo na po akong ibalik, sa'yo na lang po ako sasama." Nagdadalawang isip man ay walang magawa si Mabel. May kung ano din kasi ang bumubulong sa kaniya na hwag na niyang isauli ang bata doon. Hindi niya maintindihan ang sarili, pero gusto niyang kasama ang bata at protektahan ito. "Hmm, sige. Luluwas tayo sa Davao. Aalis tayo dito sa Samal..." "Sige po, kahit saan po, sasama po ako." Sabi pa ni Connor. "Pero may problema..." ani ni Mabel.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD